Two years later… HINDI MAPIGILAN ni Paola ang sarili na mapangiti habang pinagmamasdan ang mga pamangkin na naglalaro sa malawak na garden ng bahay nila. Kumaway pa ang mga ito sa kanya saka tinawag siya. Tuwing linggo, nakagawian na niyang umuwi sa bahay nila para dalawin ang mga magulang. Gano’n din ang ginagawa ng mga kuya niya kahit may kani-kaniya na itong pamilya. Lumakad siya palapit sa mga pamangkin at dinaluhan ito sa nilalarong tea set. Madali niya nakapalagayan ng loob ang mga ito dahil palagi siyang kinu-kwento ng mama niya sa mga ‘to. Tiffany was seven years old while Desiree was five years old. Anak ito ng kuya Ford niya. Ang kuya Jake at kuya Jace naman niya wala pa din anak hanggang ngayon. Masyado kasi abala ang dalawa sa trabaho nito sa kumpanya nila. Her father asked h