Sabina SA MGA oras na ito, gusto kong may sumampal sa akin at sabihin na isa lamang itong panaginip. Gusto kong may gumising sa akin upang makawala ako rito at mawala ang imahe ng kapatid ko sa harapan ko. I pinched myself, but my brother didn’t disappear. I am not dreaming. Madilim ang tingin sa akin ni Kuya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko pa kailanman naranasan na tingnan niya ako nang ganito. Sure, I saw him mad. I saw him bloodthirsty and ready to murder anyone who was in his way, but I never experienced being on the receiving end. Tumayo si Kuya Mael sa kanyang pagkakaupo. Matangkad din ang kapatid ko, but I never see him this huge before. Para akong nanliliit noon. “When did you learn to lie, Sabina? Anong ginagawa mo rito?!” Iniisip ko kung sino ang maaaring naglagl