Sabina HADES IS IN MY ROOM! Nasa loob ako ng banyo at nagkunwaring may gagawin kahit hindi ko alam kung bakit ako naaandito. Ang huli kong natatandaan ay sinabi ko kay Hades na sa couch siya matutulog dahil ayoko naman na magmaneho siya ng lasing, and then the next, he was knocking on my door at sinabi na hindi siya pwedeng matulog sa couch. “Bakit naman?” tanong ko sa kanya nang pumasok siya sa kuwarto ko. “The couch is too small to accommodate me. I can’t sleep on that. I rather sleep here.” Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya. Wala namang kaso sa akin kung gusto ni Hades na matulog sa tabi ko. Hell, mas pabor sa akin iyon. Pero magpapakahinhin muna ako. Baka naman isipin ni Hades ay masyado akong easy-to-get. Kaya lang nang wala na akong nagawa, pumasok na lang ako sa bany