Sabina TUMAMA sa aking mukha ang sinag ng araw. Hindi ko maalala kung kailan ulit ako nakatulog. Mukhang sobrang pagod ko sa rami ng nangyari kahapon at gusto ko na lang matulog sa buong magdamag. Kumain ako ng dinner at tinanong ko pa kay Manang Salve, ang mayordoma rito ng mga Salvatore, kung nasaan si Attorney kagabi. Sumagot siya na umalis lamang ito at may mga kailangang gawin. Bumangon ako. Unlike yesterday, maayos na ang pakiramdam ko at hindi na sumasakit ang ulo ko. I still can’t believe that Atty. Blaire wanted to frame me for homicide or murder dahil lang nagseselos siya sa akin at kay Atty. Hades. Goodness! Hindi ako makapaniwala, that despite being professional and a lawyer, may angking ganoong ugali ang ibang tao. Wala talaga sa edad ang maturity ng tao. Umalis ako sa ka