Sabina “CONGRATULATIONS, Atty. Sanchez!” Narinig ko na nagawang ipanalo ni Atty. Sanchez ang kanyang kaso at ngayon ay kino-congratulate siya ng mga tao sa opisina. Nakikipalakpak ako kahit na ang atensyon ko ay nasa pinto ng opisina ni Atty. Salvatore. Ilang araw simula nang makita ko siyang tinitingnan kaming dalawa ni Lester. Ilang araw simula nang mag-lunch kami sa loob ng opisina niya. Ilang araw na rin simula nang huli ko siyang makita. Madalang si Atty. Hades dito ngayon sa opisina dahil abala siya sa mga kasong hahawakan niya. Ang narinig ko ay may criminal at civil cases na hawak ito ngayon kaya’t paalis-alis sa opisina. Hindi maipagkakaila na nadidismaya ako sa tuwing hindi ko siya nakikita. Nakakapanlambot naman. Wala ang bitamina ko. Wala ang vitamin silay ko! “Thank you