Sabina HINDI KO narinig ang iba pang pinag-uusapan ng papa ni Bridget at ni Hades. May nagbukas na pinto kaya’t napatingin ako roon. Lumabas ang isang matandang lalaki. Nagpupuyos ito sa galit. “Malalaman ni Kuya ang ginagawa mo!” sabi ng matandang lalaki, na sa tingin ko ay ang ama ni Bridget, bago ito umalis. Nakita ko rin si Hades. Nag-aalala ako para sa kanya pero mukha namang okay siya. Wala siyang ekspresyon at pinanood lamang na umalis ang kausap. “Go back to work.” Napansin niya siguro na ang ibang empleyado ay nakikiusyoso kaya’t sinabi niya iyon. Isinara niya na ang kanyang pinto at nagkumpulan na naman ang ibang chismosa sa opisina. Nagtrabaho na lang ako, pero lumilipad na naman ang isipan ko. Hindi rin nakadagdag sa isipin ko nang makita ko ang announcement ng aming schoo