Sabina TULALA ako nang makauwi sa bahay. Hindi ako nagpahatid sa mismong bahay namin at nagpababa na lang ako kay Attorney malapit sa subdivision. I told him na tumutuloy ako sa bahay ng kaibigan sa ngayon dahil hindi ako maaaring umuwi sa bahay namin. Nagsinungaling na naman ako sa kanya pero at least ay hindi na ganoong kalayo sa katotohanan. Mabuti na rin at hindi na siya masyadong nagtanong. Hindi ko alam kung anong pinasok ko. Nararamdaman ko pa rin ang paghawak ni Attorney sa panga ko at kung paano niya ako titigan kanina. What a deadly man. Iyon lamang ang pumapasok sa isipan ko. Natakot akong magsabi ng totoo kanina, dahil kapag nalaman niya na may koneksyon ang paglapit ko sa kanya sa kagustuhan kong tulungan ang pamilya ko, baka lalo lamang pag-initan ang mga ito. Hindi ako a