N/A: This Novel Contains tragedy and murders from Serial killer's..
Chapter II
Uno Bente Kwatro
Written by: AkosiGuerero
Series One
Ano man ang mangyari sa akin ngayon ay ikaw nawa ang gumabay sa akin.
Akirah's Point of View
TINAKBO ko ang kasagsagan ng dilim papunta sa taas ng roof top. Bibigyan ko ng hustisiya ang pagkamatay ng kaibigan ko. Pagbabayaran niya ang pagkamatay ng kaibigan ko. Napaka demonyo ng ginawa niya sa kaibigan ko, Wala siyang awa! Pagbabayaran niya ang ginawa niya at ako mismo ang maghahatol ng bagay na yon na nararapat para sa kaniya. Alam kong hindi ako diyos ngunit minsan na akong nawalan ng mahal sa buhay ayoko nang muling gawin pa niya ito sa iba.
Patay-sindi ang mga ilaw sa daan ngunit hindi ako natatakot mas natatakot ako sa pagkamatay ng kaibigan ko. Dahil wala akong magawa para iligtas siya mula sa masamang tao na 'yon. Napukaw ang atens'yon ko sa isang bagay na nasa sahig na matagal ko nang hindi ginagamit. Dinampot ko ang isang baseball bat na nasa sahig at nabuo ang plano ko sa bagay na ito.
“Nasa'n ka magpakita ka?” Hamon ko rito.
Napahinto ako sandali tumingin ako sa kaliwa't kanan bago tingnan ang malaking kabuuan ng roof top. Napansin kong may bakas ng dugo sa may puting sirang upuan. May malaking flywood sa tabi at semento nasisiguro ko na under construction ang building na ito.
“Harapin mo ako!” Sigaw ko.
Naisip ko ang aking kaibigan na maamong nakangiti sa akin.
Para sa akin isa siyang anghel na mabilis rin' kinuha sa akin.
They all fade away
Si Yvonne lang ang nagparanas sa'kin ang salitang kaibigan siya lang ang nagpadama na siya ang tunay kong kaibigan. Siya yung taong hindi tiningnan ang pagkukulang ko. Siya ang kaibigan kong tinuring kong parang kapatid siya si Yvonne Falcon ang kaibigan ko.
“Alam kong nandito ka pa, lumabas ka harapin mo ako.” Hinampas sa hangin ang baseball bat.
Napahinto ako sa kawalan ng umihip ang napakalakas na hangin. Alam kong kahit anong tapang ko ay mawawala ito kapag nakita ko.
“Hey, Did you miss me?”
Nakangisi siya habang pinagmamasdan ang hawak kong baseball bat. Akma siyang lalapit sa'kin pero napaatras ako ng dahan-daban sabay hinigpitan ang pagkahawak ko sa baseball bat.
“Lumayo ka! hahampasin kita ng baseball bat kapag lumapit ka!” Hinahawi ko ng malakas ang baseball bat.
“You don't even know one shot one tasty blood?” Kinalabutan agad ako ng sabihin niya ang salitang 'yon.
Tasty blood?
What the freak?
Napahinto ako ng ang huling hahakbangan ko ay isang?
“One wrong step you will die—” Hindi ko na siya pinatapos ng pasasalita at tinuro ko sa kaniya ang baseball bat.
“H'wag kang lalapit papatayin talaga kita.” Banta ko rito.
“I want tasty blood, so I'm gonna f*cking kill you now. Isusunod na kita sa kaibigan mo,” sarkastikong saad niya.
Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako papunta sa kaniya. Napakalakas niya hindi ko kaya, Pero kakayanin ko para sa'yo Yvonne bibigyan kita ng hustisiya. Pabigat ng pabigat ang pag hinga ko dahil sa takot. Pilit na inagaw ng salarin ang baseball bat pero patuloy parin ako sa pagkapit nito para hindi maagaw. Alam kong kapag naagaw niya ay ihahampas niya ito sa kung saang parte ng aking katawan.
“Ibigay mo sa'kin,”
“No way just please give it back too me,”
“You bit*h,”
“Akin na nga sabi e,”
Sinipa ko ng malakas ang kaniyang maselang bahagi kaya namilimit siya sa sakit at nabitawan ang hawak na baseball bat. Akma kong kukunin ang bat pero nahila niya ang paa ko kaya napahiga ulit ako sa sahig. Pilit ko mang makawala sa maghigpit niyang hawak sa binti ko ay hindi ko magawa.
Kailangan kong maabot..
Kailangan kong abutin...
Kailangan kong
Tangina may humawak sa paa ko.
Sino yon?
Ang S-SALARIN?
Anong gagawin ko?
May naiisip akong paraan pero parang hindi ito tatalab pero wala akong pagpipilian kun'di ang naisip ko. Nahampas ko ang ulo ng salarin. That called one shot. Sa sobrang tuwa ko ay halos magtatalon akong parang bata sa tuwa dahil nakuha ko ang baseball bat . Hindi pa ako nakuntento at bumelat pa ako rito.
"Tangina mo bitch." asar ko.
Pero naputol ang lahat ng aking saya ng napatingin ako sa kaniya. Halos mawalan na ako ng kontrol habang tinitignan siya. Naisip ko agad ang sinapit ng aking matalik na kaibigan na nangyari kanina lamang. Mahigpit kong hinawakan ang aking pamalo at masamang tumingin sa kaniya.
“Kinuha mo ang taong tinuring kong parang kapatid!” Sigaw ko sa kawalan.
“Mabilis mong kinuha ang kaibigan ko.” pang uulit ko.
Nag init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na mapigilang maiyak dahil sa sobrang lungkot na pagkawala ng aking kaibigan.
“Wala kang awa,”
“Lahat ng ito ay kagustuhan ni Uno Bente Kwatro, kaya kung ako sayo mag tago kana sa lungga mo,” ngumisi siya na parang demonyo.
Sino ang sinasabi niyang Uno Bente Kwatro?
Naging tengang kawali na lamang ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya mapapatawad siya ang pumatay sa kaibigan ko. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa baseball bat upang ihampas sa taong pumatay sa kaibigan ko.
Malakas kong hinampas ang kaniyang likod ng buong lakas at saka pumikit.
"PARA SA KAIBIGAN KO!" Sigaw ko.
Umubo siya sa sobrang lakas ng paghagupit ko sa kaniyang likod at sumuka ng dugo. Tumawa lamang siya bago tiningnan ako sa mata.
“Hindi mo talaga ako naiintindihan paparating na siya at papatayin kaniya,”
“Wala akong pake." Hinampas ko ang likod niya ulit.
“Hindi mo siya kilala, mabagsik siya sa p*****n walang sinasanto at ngayon nahanap ka niya, Hindi ka niya papakawalan hahanapin ka niya kahit saan ka magtago,” humagikgik ito pagkatapos niyang magsalita.
"Sabihin mo sino si Uno Bente Kwatro?" Hinawakan ko ang baba niya ng sobrang diin.
Hindi siya umimik kaya mas lalo pa akong nagalit. Sino ba kasi ang taong sinasabi niyang si Uno bente Kwatro?
“SUMAGOT KA!” Sinuntok ko ang mukha niya.
Sa galit ko ay napaiyak ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ng kaibigan ko.
"Patayin mo na lang ako kung 'yan ang itatanong mo." utos niya.
Dahil sa galit ko ay akma kong hahampasin ng baseball bat ang salarin. Ngunit nabitawan ko ang baseball bat sa sahig nang may nagpapaputok ng b***l. Nalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig at hinawakan ko ang parteng inaagusan ng maraming dugo ang aking dibdib.
Kapalaran..
Kapalaran ko na sigurong mamatay magkakasama na tayo Yvonne.
“P-paalam,”
End 2: UNO BENTE KWATRO