bc

Uno Bente Kwatro

book_age12+
89
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
tragedy
comedy
twisted
scary
highschool
school
sassy
tricky
like
intro-logo
Blurb

She is Akirah Guerero a kind and intelligent girl. But despite her beautiful smile, she can see your destiny with her cursed eyes. The woman is cursed and she will suffer the things that happen in this world. She is to blame in the end for her cursed eyes that can see the future. Can you hold Akirah's hand so you know when you're going to die?

A Horror Novel by: AkosiGuerero

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The hand of deamon
N/A: This Novel Contains tragedy and murders from Serial killer's.. Chapter I                                                                             Uno Bente Kwatro                                                                       Written by: AkosiGuerero                                                                                    Series One Akirah's Poin of View Handa kana ba? Mula sa rooftop ng Heritage Company tanaw ko ang nakatutok na sniper mula sa amin. Nakatutok ito sa amin. Isang pihit lamang ng gatilyo mula sa kinalalagyan namin ay may mamatay na isang tao. May mamatay na tao sa amin. Pinigilan ko ang pag patak ng luha ko dahil kaharap ko ang aking kaibigan na masayang nakangiti sa akin. Habang siya ay nakatayo naman sa aking harapan.  Si Yvonne. “Beshie miss na kita.” lambing ng kaibigan ko. Wala akong sinabi pero niyakap ko lamang siya pabalik ng mahigpit.  Sobrang higpit. Yung parang  hindi na siya makaka-alis sa aking yakap. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa pagmamahal ko sa aking kaibigan. Tila ba nag uunahan nag aking mga luha sa pagpatak. Mamatay siya ngayong araw na ito. “Beshie, h'wag ka nga mag emote dyan nagmumukha kang asong napapatae.” Asong napapatae mukha niya. Nahinto ako sa pag-iyak nang bigla akong napatawa sa sinabi  niya. Ang hirap talagang maging seryoso kapag kasama mo ang kaibigan mong tarantado. Kaibigang tarantado.  Gano'n na ba talaga ako kapag umiiyak nagmumukhang aso?  Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay sabay pumay-awang. “Ano'ng sabi mo mukha akong asong napapatae?”  “Oo beshie mukha kang asong napapatae,” ulit niya sa sinabi ko kanina sabay pisil sa pisngi ko. “Hmmp, inulit pa nga.” Pinisil ko ulit ang pisngi niya. Nagbago ang masaya kong mukha. Mabilis itong napalitan ng takot at pangamba ng makita ko ang kumakaway na kamay ng salarin sa taas ng building. Nakaitim ito nakasuot ng itim na jacket na damit na may hawak ng Sniper na b***l. Pinakita niya pa sa akin kina-kasa niya ang b***l. Tinutok niya mula sa kinaroroonan namin. Nagbuga pa siya ng usok na sigarilyo mula sa kaniyang bibig. Nakikita ko ngayon ang araw na ito. Alam kong sa mga oras na ito ay mamatay ang aking kaibigan at sa mga oras na ito ay babawian siya ng buhay. Malungkot man na isipin na mawala ang iyong pinaka-matalik na kaibigan na para munang naging kapatid dahil sa mahaba niyong pinagsamahan sa mahabang panahon ay mas pipiliin ko na h'wag sirain ang plano ng tadhana para sa kaniya dahil kung babaguhin ko ito ay mas maraming tao ang masasawi ng dahil sa isang buhay.  Sinumpa ako ng demonyo. Ang sino mang humawak sa kamay ko ay mamatay. “Beshie, samahan mo ako bukas sa mall huh. Bibili tayo sa Maynila ng merchandise ng bts,” taas babang kilay niyang wika. Ang kaniyang mga binitawan na salita ay hindi na niya masasabi muli dahil sa araw na ito ay mamatay siya at 'yon ang pinakamasakit na araw sa tanang buhay ko ang makita ang kaibigan kong mamatay sa harapan ko. “O-Oo naman, Ah-eh sasamahan kita ikaw pa eh malakas ka sakin,” naiilang kong wika. "Irah." “Bakit?” Tanong ko. “Bakit hindi ka sure?” “Huh ako? H-hindi sure?” Halos mamutla ako sa tanong niyang nagpapakaba sa puso ko. Mas mabuti kung hindi niya malalaman  ang kaniyang hahantungan sa huli. Kamatayan. “S-syempre, Oo naman sasamahan kita, ikaw pa na malakas ka sa'kin eh," ngumiti ako pagkatapos kong sabihin 'yun sa kaniya. Kahit alam kong sa sarili ko na hindi ko talaga magagawa ang sinasabi niya. Mahirap man pero nakahanda na ako sa susunod na mangyayari at 'yon ang pagkawala ng aking kaibigan kahit mahal na mahal ko siya. “Love you na Beshie,” Matapos niyang sambitin ang mga 'yon ay niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit yung akala mo'y hindi na siya mawawala sa tabi mo. Hindi ko mapigilang maiyak sa pagyakap niya. Ito ang huling oras at araw na mayayakap ko ang aking kaibigan sa huling pagkakataon. Naramdaman ko na umiiyak rin siya kahit itago niya pa sa akin ay nararamdaman ko rin. “Mas mahal na mahal kita Yvonne, tandaan mo yan." Mahinang tinulak siya sa pagkayakap mula sa akin. Agad kong pinunasan ang kaniyang mga luha sa mata habang ngumiti at mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. “Ipangako mo sa akin Akirah, ano man ang mangyari. Ngayon man o sa hinaharap sana walang magbago sa ating pagkakaibigan,” aniya. Itanaas ko ang aking kanang kamay kahit pa alam ko na 'yun na ang huli niyang sasabihin. “Pangako,” Nagyakapan ulit kami ng sobrang higpit na para bang alam niya na ang kaniyang katapusan. Sino ba namang may gusto na mamatay ang kaibigan mo ng dahil sayo? Hindi ba wala? Nagulat ako sa mabilis na pangyayari, Umikot siya nang mabilis kaya ngayon ay siya na ang pain sa harapan na nasa harapan ko. Prinotektahan niya ako dahil alam kong mahal niya ako. Nakarinig ako ng isang malakas na bala at nasa direksiyon namin ito. Nanlumo ako sa sunod na pangyayari halos sumpain ko na ang diyos dahil sa masamang nangyari sa  kaibigan ko. Mabilis na bumagsak ang kaibigan ko sa lupa. “Hindi pwede H-hindi ito totoo, Please gumising ka Yvonne.” Naluluha kong wika. “Yvonne did you hear me.” “Yvonne! Noooo.” “Gumising ka please.” Halos mamaos na ako sa pagtawag ng pangalan niya. Bakit sa lahat ng kukunin ay ang kaibigan ko pa? Bakit hindi na lang ang magnanakaw o ang masamang tao na lamang ang kunin? Kaibigan ko pa talaga ang kailangan kunin? Sana hindi nalang ako nakakakita ng hinaharap, Sana namatay na lang ako! Sana naging normal na lang ako. I hope I'm not just the hand of the devil. Sana talaga. Sapag-bagsak ng balikat ko sumabay narin umagos ang dugo mula sa kaniyang bibig. Nangiginig ako  tumingin sa kaniya na halos maligo na sa kaniyang sariling dugo. Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa pisngi. Sa mga oras na 'yon hindi ko alam kung anong magagawa ko sa akin sarili. Sa oras na 'yon gusto kong makita at makaharap ang salarin. Magtutuos kami kahit pa ito ang kabayaran ng aking buhay. “Y-YVONNE G-GUMISING KA, NO PLEASE GOD NO..YVONNE WAKE UP,” hindi ko napigilang sumigaw dahil sa takot. “Tulungan niyo kami, parang awa niyo na po,” “Help!” “Help!” “Tulungan niyo po kami!” Sigaw ko. Narinig ko ang mga taong nagsisigawan sa paligid. Humihiyaw sila at humihingi ng humingi ako ng  tulong. Maraming taong nagtatakbuhan dahil sa takot sa b***l. Tumingin ako sa taas ng building at nakita ko pa ang salarin na nakangisi at nagpapaalam. Wala pang nag rerescue sa kaibigan ko pero may isang umako na Doktor na siya na raw mag asikaso kay Yvonne kaya tumango-tango ako at iniwan ang mga ito. “Ngayon tayo ang mag tuos, kalabanin mo ako kung sino ka mang pumatay sa kaibigan ko,” sarkastikong saad ko at tumakbo palayo.                                                                            End 1: UNO BENTE KWATRO

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook