"Aww shit..." nasasaktang bulalas ko habang sapo ko ang aking namamagang pisngi.
Dalawang araw na ang lumipas pero ramdam ko pa rin ang mabigat na palad ng babysitter na siyang sumampal sa akin.
Tanda ko pa kung paano ako pinagtawanan nila Ezra nang makita nila ang nakabakat na kamay sa aking pisngi. Kung wala lang siguro kami sa bahay ni Mael ay nakatikim ng tig-isang suntok sa akin ang mga mokong na iyon dahil sa maya't maya nila na pang-aasar.
"f**k, f**k, f**k! Barako yata ang babaeng iyon... " bumubulong na hinaing ko pa, "Sa lahat ng naging misyon ko ay ito yata ang pinakamasakit na natamo ko... Shiiiittt..."
Biglang natigilan ako sa aking pagdaing nang bumukas ang pinto sa kwarto ng mga triplets at lumabas doon ang barakong babysitter. Doon ay sinubukan ko na umasta na walang iniinda na sakit sa aking pisngi.
"Ehem... Tulog na ba ang mga bata?" seryosong pagtatanong ko sa kanya at prenteng umupo habang nanunuod ng telebisyon.
Napapitlag naman ang babysitter dahil hindi niya inaasahan na kakausapin ko siya pagkatapos nang nangyari.
"A-Ah... O-Opo sir..." mahinang pagsagot naman niya, "N-Nakatulog na po sila... "
Namayani naman muli ang mahabang katahimikan sa aming pagitan. Napakamot tuloy ako ng aking ulo. Ito kasi ang unang beses na hindi ko alam kung paano kakausap ang isang babae. Ako pa na laging hinahabol ng mga chicks ay hindi dapat pinoproblema ang mga ganitong bagay.
Sa oras na ito ay tila nalunok ko ang aking dila at na-bla-blangko ang aking utak sa aking sasabihin.
Kung nandito lang siguro ang iba kong kaibigan ay baka inasar na naman nila ako sa aking kakaibang inaasta.
"Mukhang gagabihin ngayon sina Mael at Cathy ah, " bigla ko na lang sambit at tumingin sa orasan dahil wala pa ang mag-asawa kahit lampas alas otso na ng gabi.
"Tungkol po diyan... T-Tumawag po sila kanina para ipaalam na gagabihin sila... " pagpapaalam naman ni Leah, "Bigla po raw nagkaroon ng emergency meeting sa kompanya kaya ibinilin po nila na patulugin na po ang mga bata at huwag na po sila antayin."
Napakunot naman ako ng noo. Hindi man lang kasi tumawag sa akin si Mael para ipaalam iyon at sa halip ay ang kanilang babysitter ang pinagbilinan.
Doon pa lang ay mukhang mas malaki ang tiwala nila kay Leah kaysa sa akin na siyang mas nagpainit ng ulo ko. Ilang taon na kami magkaibigan ni Mael pero hindi ko akalain na mas pagkakatiwalaan nila sa oras na ito ang kanilang babysitter na kailan lang nila nakilala.
"They trust you more than me, huh... " biglang bulong ko sa hangin, "Let's see if you can really be trusted..." naghahamon ko pang bulong
"H-Ho?"
"It's nothing," sambit ko na lang at nginisian siya na akala mo walang sinabi.
Napalunok naman ang babysitter at akmang aalis nang pigilan ko siya.
"Wait Leah... "
Agarang natigilan naman siya at nagtatakang nilingon ako. "B-Bakit po? May kailangan pa po kayo sir...?” kinakabahang tanong niya.
Kinapa ko ang tiyan ko at umaktong nagugutom. "Meron ka bang maluluto diyan?" tanong ko sa kanya, "Kanina pa ako hindi nakakain... Hindi mo ba naisip man lang na alukin ako? "
Tinignan naman niya ako ng masama. Ito ang unang beses na nakita ko siya na tila lalaban sa akin.
Napangisi ako dahil tama ako na may tinatagong lihim ang babysitter na ito.
Hindi siya isang tupa kundi isang tigre na nagbabalat-kayo.
Gagawin ko ang lahat para matanggal ang maskara niyang iyon. Ipapakita ko kina Mael na mali sila ng taong pinagkatiwalaan at pinatira pa nila sa loob ng kanilang bahay.
"Sir... paalala ko lang po na babysitter ako... " pag-angal ni Leah, "Hindi po parte ng trabaho na ipagluto kayo at pagsilbihan ng makakain niyo..."
"Come on... what's wrong with that? I'm a guest here, ” nakangising tanong ko sa kanya, "Papunta ka naman din ng kusina para magluto ng hapunan mo,di ba? Hindi naman kawalan kung isasabay mo na ako, di ba? Di ba? "
Ilang segundo kami nagtagisan ng tingin sa isa't isa. Mukhang nagugustuhan ko ang pagiging palaban niya ngayon.
"Aray... " nasasaktang pag-arte ko pa, "Ang sakit sakit ng pisngi ko. Tignan mo kung paano namamaga ang pisngi ko ngayon. Nabawasan tuloy ang kagwapuhan ko. "
Nakita ko kung paano lalong tumalim ang tingin sa akin ni Leah. Malamang ginagamit ko sa oras na ito ang kanyang atraso sa akin.
Humugot siya ng malalim na hininga at malakas na pinakawalan ito.
"S-Sige sir... Pero ngayon lang po ito ha... Hindi po ako cook rito or katulong niyo. Babysitter po ako ng mga bata..."
Lalong lumapad ang ngisi ko sa narinig. "Yes, don't worry ngayon lang naman... "
Doon ay padabog na nga na nagtungo sa kusina si Leah. Lalo naman ako napangisi. Iniisip ko kung paano ko ba ilalantad ang totoong kulay ng babysitter kina Mael.
"Well, wala pa naman siya ginagawa na masama... Sa ngayon siguro ay palalampasin ko siya... pero sa oras na may mapahamak ay sisiguraduhin ko na sa kulungan ang kanyang bagsak... "
***
Nang lumipas ang ilang minuto ay totoong kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang anumang niluluto ni Leah. Doon ay dahan dahan na tumayo na ako sa aking kinauupuan at palihim na sumilip sa loob ng kusina.
Mahirap na at baka haluan niya ng kung anong pampatulog o lason ang aking pagkain. Mas mabuti na ang nag-iingat lalo't pa na wala ako kasiguraduhan sa kanyang katauhan.
Nagulat na lang ako ng bigla ako lingunin ni Leah na tila ba alam niya naroon ako at sumisilip sa kanyang ginagawa.
"Malapit na PO ako matapos SIR, " madiin niyang sambit at ramdam ko na labag sa loob niya ang kanyang ginagawa.
Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at nilapitan siya para tignan ang anuman kanyang niluluto.
"Adobo," naglalaway kong sambit at bahagyang napadila ng aking labi.
Mula pagkabata, ito ang ulam na pinaka-paborito ko. Napakunot tuloy ako ng noo dahil paano nalaman ni Leah na ito ang pinaka-paborito kong ulam?
Sabi na eh... Mukhang kilala niya talaga ako ng personal...
Hindi kaya naging stalker ko ang babaeng ito?
Isa kaya siya sa mga baliw kong taga-hanga?
"Yes sir... Ito po ang pinaka-mabilis na pwede lutuin ngayon, " pagpapaliwanag naman ni Leah na akala mo nabasa niya ang nasa isip ko.
Mataman na tinitigan ko siya bago nagkibit balikat na lang. "Sabi mo eh," pagsuko ko na lang bago nagtungo sa pinaglalagyan ng mga pinggan at kubyertos.
Kusa ako naghain ng aming pagkakainan habang tinatapos ni Leah ang kanyang niluluto. Nang matapos ay humalimuyak muli ang mabangong amoy ng adobo sa buong kusina na siyang lalong nagpakalam sa aking tiyan.
Kita ko na lihim na napatawa ang babysitter kaya sinamaan ko siya ng tingin para matigil.
"Tss."
Nginisian naman niya ako bago inilapag sa gitna ng mesa ang kanyang nilutong adobo.
"Let's eat?” hindi makapaghintay na tanong ko.
Tahimik na tumango lang siya habang excited na kumuha ako ng kanin at ulam. Sa unang subo pa lang ay nanginig na ako sa sarap. Hindi naman ito ang unang beses na nakakain ako ng adobo pero tila ba sarap na sarap ako sa oras na ito.
Natigilan ako nang mapansin na hindi kumakain si Leah at sa halip ay pinapanuod niya lang ako. Kinabahan tuloy ako sa takot na may hinalo siyang kung ano sa pagkain. Dahil doon ay nasamid ako na siyang agaran niyang inabutan ako ng maiinom.
"f**k!" hiyaw ko pa sa galit at masama siyang tinignan, "May hinalo ka ba sa pagkain nang hindi ko alam?"
"What?” naguguluhan niyang sambit, "Anong hinalo na pinagsasabi niyo, sir?”
Natigilan naman ako nang mapagtanto na walang nangyari kung ano sa akin pagkatapos ko kainin ang kanyang niluto.
"Tch. Wala."
Sinimangutan niya ako. "Iniisip niyo ba na baka lasunin ko kayo, sir?” hinala pa niya.
Mabilis na iniling ko ang ulo ko para itanggi iyon. "H-Hindi ah!"
Inirapan niya ako. "Don't worry sir. Hindi ko afford na bumili ng lason para sa inyo," sambit niya
Sinamaan ko siya ng tingin kasi ibig sabihin lang nito ay kung may pagkakataon ay maaaring nilason na nga niya ako.
"Y-You..." gigil kong sambit.
Nagkibit balikat naman siya at nagsimula nang kumain. "Kain na ulit kayo, sir. Baka lumamig po ang pagkain."
Napatitig naman ako sa kanya habang kumakain na tila wala ng pakialam sa aking presensiya. Napahawak tuloy ako sa aking batok dahil tila na-stress ako sa hindi malaman na dahilan.