"Ano nga palang gusto mong sabihin sa'min hija?" malambing na tanong ni Mrs. Montenegro, nasa hapag-kainan sila ng mga oras na iyon.
Tumikhim muna siya at ngumiti dito. "Tita, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo, ninyo ni Tito Marco regarding po sa desisyon kong bumukod na, I know na hindi kayo papayag but please Tita pumayag na po kayo, kaya ko na man po ang sarili ko, e," dire-diretsong tugon ng dalaga habang nakatitig sa Ginang.
Napahinto ang mag-asawa sa pagnguya at napatingin sa kanyang direksiyon. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat.
"Levi, ginulat mo naman yata kami sa desisyon mong iyan. Bakit hija inaaway ka ba ni Mike, binubulyawan ka ba niya? Napakawalang modo talaga 'yang anak mo Thalia!" kunot-noong tugon ni Mr. Montenegro kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao.
"Tito hindi po," mariing tanggi niya sa tinuran ng ama ni Mike. "Tito, nahihiya na po ako sa inyo ni Tita, sobra-sobra na po ang kabutihang iginawad ninyo sa'kin. I just want to be an independent Tito, Tita. Huwag niyo naman po sana itong mamasamain, but we need to face the reality. Hindi po habang-buhay ay nakasandig nalang po ako sa inyo. Kailangan ko rin pong tumayo sa sarili kong mga paa para po makapagsimula ng panibagong kabanata ng aking buhay, at tatanawin ko pong utang na loob ang mga pagmamahal na iginawad ninyo sa akin." mahabang paliwanag niya sa mag-asawang halata parin sa mukha ng mga ito na parang hindi makapaniwala.
"Oh, Levi hija, mamimis ka namin ng Tito Marco mo," malungkot na tugon ni Mrs. Montenegro. Tumayo ito at lumpit sa kanya para siya'y yakapin. "Is that really you're final decision, hija?"
"Opo, Tita." tugon niya at yumakap sa Ginang.
"Kung 'yan talaga ang desisyon mo hija wala na kaming magagawa riyan, nirerespeto namin ang desisyon mo, pero 'wag ka sanang mahiyang tawagan kami kung may mga kailangan ka," saad ni Mr. Montenegro.
"Maraming salamat po at naintindihan niyo ako Tita, Tito."
"May nakita ka na bang tutuluyan mo?" tanong ni Mrs. Montenegro na halata sa magandang mukha nito ang pag-aalala.
"Opo Tita, sa tinutuluyan pong apartment ni Tessa, naalala n'yo po ba si Tessa?"
"Oo naman, mabuti naman kung ganoon hija. Kailan ka ba bubukod?" tanong ni Mr. Montenegro.
"Next week po, Tito."
Naputol lamang ang usapan nila nang makarinig sila ng tawanan at mga yabag papalapit sa kanila. Agad na napalingon si Levi sa kinaroroonan ni Mike kasama ang mga kaibigan nito at ng girlfriend nitong si Trisha.
Napangiwi si Mrs. Montenegro ng makita ang dalagang si Trisha, palibhasa'y ayaw nito sa dalaga para sa anak dahil para sa kanya wala itong delikadesa.
"Ma, Dad," si Mike at humalik sa pisngi ng mag-asawa.
"Kumain ka na ba hijo?"
"I'm done ma," turan ni Mike sabay akbay sa girlfriend nitong parang sawa kung umalingkis sa bisig ng binata.
"Hello Tita Thalia," si Rey at humalik sa pisngi ng Ginang at kay Mr. Montenegro.
Ngumiti lang ang mag-asawa at napatango. Ngumiti lang ang ilang mga kasamahan nina Mike sa mag-asawa, at ang huli ay si Trisha, ngumiti ito at humalik sa pisngi ng Ginang. Napangiwi si Mrs. Montenegro na tila parang nandidiri sa ginawa ni Trisha.
"Stay away from my son," bulong ni Mrs. Montenegro sa dalaga.
Mapang-asar na ngumiti si Trisha sa Ginang at napatingin sa gawi ni Levi sabay taas ng isang kilay nito. "I'm sorry Ma'am but, wala ka nang magagawa kung mismo ang anak mo ang gustong humabol-habol sa'kin." ganting turan nito at mabilis na ikinawit ang kamay sa mga bisig ni Mike.
"We have to go ma, dad, nasa balcony lang kami," si Mike at ipinulupot sa bewang ni Trisha ang sariling braso para akayin, sumunod na rin ang mga kaibigan nito.
Umirap lang si Levi nang dumaan sa gawi niya sina Mike at Trisha. Samantalang kumindat naman sa kanya si Royce, isa sa mga kaibigan ni Mike. Ngumiti naman siya dito.
Nasundan na lamang nila ng tingin ang papalayong grupo, at saka naman nagpakawala ng marahas na hininga si Mrs. Montenegro. Hawak ang sariling sentido at naupo sa upuan, inalalayan siya ng asawa.
"Okay lang po ba kayo, Tita?" may pag-aalalang tanong ni Levi.
"Sweetheart, is there something wrong? Tatawag na ba ako ng doktor?" si Mr. Montenegro na bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.
"No, I'm fine, just... I don't like that woman!"
"Sweetheart, wala naman tayong magagawa kung si Trisha ang mahal ng anak natin. Labas na tayo do'n, hayaan na natin si Mike, he's too old para pagbawalan pa natin siya kung sino ang babaeng mamahalin niya, always remember that we never have the right na panghimasukan ang buhay pag-ibig ng anak natin." paliwanag ng Ginoo.
"Ang mabuti pa po Tita magpahinga nalang po muna kayo," suhestiyon ni Levi habang hinimas-himas ang likod ng Ginang.
"I guess you're right hija."
Mabilis ang kilos ni Mr. Montenegro at inalalayan ang mahal na asawa patungo sa kwarto nila.
***
Naisipan ni Levi na uminom ng juice kaya tinungo niya ang kitchen, nadatnan niya roon si Aling Sita na naghahanda ng pagkain, napansin niyang matamlay ang matanda kaya lumapit siya dito.
"Okay lang po ba kayo Aling Sita?" dinaluhan niya ang matanda at ipinaghila ng mauupuan.
"Nahihilo yata ako hija," tugon nito habang nakayuko na tila parang nananalangin.
"Mabuti pa kaya'y magpahinga na lang po muna kayo."
"Naku hindi pwede, kailangan ko pa itong ihatid sa balcony para kay Mike at sa mga kaibigan niya," saad nito na halata sa mukha ang pagod, para namang kinurot ang puso ni Levi sa napagmasdan.
"Ako na po ang bahala, kaya 'wag ka na pong mag-alala."
"Sigurado ka ba hija?"
"Hay naku si Aling Sita, oo naman po. Ako pa!"
"Nag-aalala lang ako sayo hija, alam mo namang hindi lingid sa'min ang pagiging aso't pusa ninyo ni Mike. Minsan naisip ko may gusto sayo ang batang 'yon."
"Sus, si Aling Sita talaga puro biro, hindi ko po type ang mga lalaking walang ibang gawin kundi ang mambulyaw, at isa pa po, hindi siya ang tipo kung lalaki," nakangiting tugon niya sa kawaksi.
At inayos niya ang mga pagkain at inilagay sa tray para dalhin sa balkonahe kung saan naroon sina Mike at ang mga kaibigan nito kasama ang haliparot nitong girlfriend.
"Sige hija, magpapahinga na lang muna ako sa silid ko."
"Sige po."
Umalis na si Aling Sita at tinungo ang sariling silid. Samantalang si Levi naman ay hinanda na ang dadalhin para sa mga bisita ni Mike. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mga nagtatawanan. Mula sa malayo napansin na siya ni Trisha na kasalukuyang nakakunot-noo nang mapansing siya yata ang nagdala ng pagkain ng mga ito.
Nang makalapit na siya'y inilapag niya agad sa mesa ang mga pagkain at kasabay niyon ang pagsipol ng mga kaibigang lalaki ni Mike. Naiiling na lamang siya sa mga ito.
"Thank you, Levi." Si Drei na lumapit pa sa kanya para tulungan siya sa mga baso na may lamang lemonade.
"My pleasure."
"Bakit nga pala ikaw ang naghatid nito," takang tanong nito sa kanya.
"Biglang nahilo si Aling Sita, kaya nagpresinta akong ako nalang ang magdala ng mga ito, kawawa naman 'yong matanda baka ano pa ang mangyari don."
Napukaw ang kanilang atensiyon ng may biglang kumalabog mula sa kabilang mesa kung saan nandoon sina Mike ilang metro ang layo mula sa mesa kung saan inihanda ni Levi ang mga pagkain.
Napalingon sila sa gawi nina Mike, at napansin niyang parang nagkakagulo sa pagitan nina Mike at Rey. Mabilis na lumapit si Drei sa dalawa dahil akmang magsusuntukan na ang mga ito.
"Hey! Awat mga pare, teka ano bang problema?" Pumagitna si Drei sa dalawang nagtatagisan nang titig na tila walang sumuko.
Gusto sanang makialam ni Levi pero naisip niya at baka mas lalo pang gugulo at baka mabulyawan na naman siya ni Mike mahirap na, baka mapahiya na naman siya sa harap ng mga kaibigan nito. Baka hindi na niya mapigil ang sarili at baka masampulan na talaga niya ito ng isang suntok sa panga.
"Pare relax lang, wala namang masama a, kung magkagusto ako kay Levi, 'di ba nga ayaw mo sa kanya dahil sampid lang siya sa bahay niyo? Ikaw pa nga ang nagsabi no'n 'di ba? So, ano'ng problema mo?" si Rey na tila galit na.
Napamaang si Levi sa tinurang iyon ni Rey at nagkatinginan sila ni Drei at Mike, ngunit mas nagtagal ang titig niya kay Mike na ngayon ay hindi niya mawari kung ano ang ipinapahiwatig ng mga titig na iyon, ang hirap basahin.
Para iyong bomba sa pandinig ni Levi na kumukurot sa kaibuturan ng kanyang puso. Naikuyom niya ang mga kamao at mabilis na umalis sa gawing iyon. Nag-uunahang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga, narinig niyang may tumawag sa kanya ngunit hindi na s'ya nag-aksaya pang lingunin iyon at nagmamadali siyang naglakad at pagdaka'y naging lakad takbo ang ginawa ni Levi.
Hindi niya alam kung saan tutungo bagkus ay namalayan na lamang niyang nasa garahe na siya. Hindi pa naman siya marunong magmaneho kung gagamitin niya ang kotseng bigay sa kanya ng mag-asawang Montenegro.
"Levi sandali lang!" tawag sa kanya ng isang tinig.
Hindi niya nilingon ito at nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan at mabilis na pinalis ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita. At nakiramdam lamang.
"Levi, hindi ko alam na nandon ka pala. I'm sorry."
"Leave me alone." tugon ni Levi.
Akmang hahawakan sana siya ng binata nang magsalita si Mike mula sa likuran ni Rey.
"Levi!" may awtoridad na tawag ni Mike sa kanyang pangalan. Ngunit bagkus ay tulad ng ginawa niya kay Rey hindi siya lumingon dito.
"I said leave me alone, umalis kayong dalawa dahil gusto kong mapag-isa," may diing tugon ni Levi sa dalawang binata na hindi parin lumilingon sa mga ito.
"And where do you think you're going, it's too late and it's already dark outside." si Mike, hindi alam ni Levi kung concern ba ang ipinahihiwatig nito sa kanya o ano, dahil ang totoo hindi parin mawaglit sa isipan niya't pandinig ang mga binitiwang salita ni Rey kanina.
Sila na lamang dalawa ang naiwan sa garahe dahil naisipan ni Rey na mas maiging magkausap ang dalawa.
"Come on Mr. Montenegro, concern ka ngayon sa'kin? Wow naman, galing mo rin, matapos mo akong saktan tapos heto ka ngayon kunwari concern? Galing mo rin ano?" tugon niya at humarap sa binata.
"Who told you na concern ako sa'yo?"
Naiiling na lamang si Levi sa tinuran ng binata. "Oo nga pala, wala ka pa lang kwentang kausap bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Sino nga ba ako para pag-aksayahan mo ng laway 'di ba? Di ba nga sampid lang ako sa bahay na 'to?" tugon niya at muli'y bumagsak ang panibagong luha mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya napigilang lumuha sa harap ni Mike.
Nang biglang humandahusay si Mike sa sementadong parking lot, sapo nito ang kabilang pisngi na ngayon ay may namumuong dugo, at putok ang labi nito. At saka lang napansin ng dalaga ang nang-gagalaiting anyo ni Mr. Montenegro.
"Damn you! Napakawalang-puso mo!" Sigaw ni Mr. Montenegro.
Kasunod niyon ang pagdating ng isang kotse kung saan sakay si Micah galing sa dinaluhan nitong prom. At mabilis pa sa hangin na umibis ang dalaga mula sa kotse at dinaluhan ang kapatid na hanggang ngayon ay hindi parin makatayo mula sa pagkakasuntok ng ama.
"Daddy ano'ng nangyari?" may pag-alalang tanong ng dalagita.
"Itanong mo 'yan sa magaling mong kapatid. Levi halika na." sagot ni Mr. Montenegro at hinila si Levi paalis doon, mabuti na lang at maagap na napigilan nina Drei at Rey ang ama ni Mike kung hindi baka bugbog sarado na ang binata.