Kabanata 3

1841 Words
"Ano Levi, okay lang ba sa'yo ang apartment na 'to?" masiglang tanong sa kanya ni Tessa. Iginala ni Levi ang tingin sa looban ng apartment. It has two-level studio apartment plays with a cool background pallet, allowing more unique-coloured furnishing to shine. There is wide avocado-hued sofa makes its mark on the main living area, while minimalist grey patterning and simple wooden textures give the room breathing space. Pumunta siya sa may kusina, a stencilled kitchen table make a less dramatic impact, while the thin design introduces elegance. Pumunta siya sa may hagdanan, the widen wooden staircase makes a statement while affording a clean, non-intrusive backdrop for other elements. Malawak at maganda at napaka-neat ng apartment. Wala siyang maipintas pa. Maganda ang banyo, may maliit na bathtub at malinis. Napangiti siya, sa wakas makakabukod na rin siya. "Perfect! It's impressive," tugon niya sa kaibigan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Micah ang tumawag. Kunot-noong sinagot niya ito. "Hello, Micah?" "A-Ate Levi... si Mama dinala sa ospital," nagpa-panic na saad ni Micah sa kanya. "Ano?" gulat niyang sagot dito kasabay nang panghihina ng kanyang mga kalamnan. "Ite-text ko nalang ate kung saang ospital, please be here asap!" wika nito at mabilis na pinutol ang tawag. Napaupong nanlulumo siya sa couch na naroon. "Levi ano'ng nangyari? May problema ba? Sino yung tumawag sa'yo?" "Tessa si Tita... dinala raw sa ospital. Tessa please kailangan nating makarating ng ospital ngayon, pwede bang sasakyan mo muna ang gamitin natin? Wala ako sa huwisyo para magmaneho." sapo ang sariling dibdib na tugon niya sa kaibigan na tila feeling niya para siyang lutang sa isiping dinala si Thalia sa ospital. "Sure, tara na." si Tessa at mabilis na hinila siya palabas ng apartment. *** Hindi magkandauga si Levi sa loob ng kotse. Nag-alala siya sa Ginang. 'Di kaya, kaya ito dinala sa ospital dahil sa sobrang lungkot nito dahil sa kanyang paglisan sa mansion ng mga Montenegro? Huwag naman sana, dahil panigurado siyang lagot na naman siya kay Mike kung gano'n nga. "We're here, Levi." pukaw sa kanya ni Tessa. Umibis agad siya sa sasakyan ng dalaga at nagmamadaling tinungo ang emergency room. Nakita niya ang isang nurse at nagtanong dito. Mabilis naman nitong itinuro ang kinalalagyan ni Mrs. Montenegro. Nakita niya si Micah at Mike. Napansin niyang pinapatahan ng binata ang walang humpay na iyak ng kapatid. Bumilis ang t***k ng puso ni Levi. Kinakabahan siya sa kalagayan ng Ginang. Nakasunod lang si Tessa sa kanyang likuran. Nakaupo lang sa may hospital chair si Mr. Montenegro. Lumapit siya rito. "Tito, ano daw po ang nangyari kay Tita?" nanginginig niyang tanong dito. Napaangat ito ng tingin sa kanya, hilam sa luha ang mga mata nito. Niyakap niya ang taong nagsilbing ama sa kanya, ramdam niya ang paghihirap nito. "She will be fine, Tito. Please, manalig lang tayo sa Dios, hindi niya pababayaan si Tita." "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Levi kung may mangyaring masama sa asawa ko, nagpabaya ako Levi," malungkot na tugon ng Ginoo. "Huwag niyo'ng sisihin ang sarili ninyo, Tito. Walang may gusto sa nangyari, ipaubaya na lang po natin sa Dios ang lahat," alo ni Levi dito. Saka lang niya napansin ang dalawang magkapatid na nakalapit na pala sa gawi nila. Iniwan niya muna ang mga ito at naupo sa may bleachers sa labas para lumanghap ng sariwang hangin, tahimik lang na nakasunod sa kanya si Tessa. "Okay ka lang?" "Not so, I'm worried about Tita. I guess, kailangan ko munang ipagpaliban ang pagbukod ko sa mga Montenegro. I want to spend my time na makasama si Tita," nanlulumong tugon ni Levi sa kaibigan. "It's up to you, I respect your decision. Bilang kaibigan mo, nandito lang naman ako para suportahan ka sa lahat ng bagay." "Thank you, Tessa," saad niya at napayakap sa kaibigan. Makalipas ang ilang oras, tumayo silang dalawa at binalikan ang tatlo. Napansin niyang wala na ang mga ito sa bleachers na naroon, tantiya niya'y pumasok na ito sa private room na inokupa ng Ginang. Naramdaman niyang pinisil ni Tessa ang kanyang kaliwang kamay para ipahatid sa kanya na tatagan niya ang kanyang loob. Isang pilit na ngiti ang isinukli niya rito sabay hinga ng marahas. Bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas doon sina Micah at Mr. Montenegro. Mababakas sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala at kalungkutan. "Levi, gising na ang Tita mo't hinahanap ka. Pumasok ka na roon gusto ka raw niyang makita," tugon ni Mr. Montenegro sabay tapik sa kanyang balikat. "Pakiusap, kung pwede lang, iwasan niyo munang mag-iringan kayo ni Mike." "Opo, Tito. Makakaasa po kayo," tugon niya at pumasok sa loob ng kwarto. Nadatnan niya ang mag-ina na nag-uusap. "Tita," mahinang sambit niya at dahan-dahang lumapit dito. Feeling ni Levi parang hindi magkandauga ang mga daga sa dibdib niya, kaybilis ng t***k ng kanyang puso. Nakatitig lang siya sa nanghihinang anyo ng Ginang, hindi niya ibinaling ang tingin sa lalaking kinamumuhian niya. "Oh, Levi... hija halika." mahina nitong tawag sa kanya. Mabilis ang kilos na lumapit si Levi sa Ginang, at nang makalapit na siya'y hinawakan niya ang kaliwang palad ng Ginang kasabay ng pagbagsak ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. "Ku-kumusta na po ang pakiramdam niyo," naluluhang tanong niya dito. Ramdam niyang inoobserbahan lang siya ni Mike. "Don't cry hija, I'm fine. Just dry your tears please?" ngumiti lang ito sa kanya na tila nilalabanan ang kahinaang nadarama. "I can't, Tita. I'm just so worried about you." "You don't have to worry, minsan talaga darating sa tao ang kamatayan, at wala na tayong magagawa doon kung ipahintulot na ng Dios hija." "Tita please, 'wag naman po kayong magsalita ng ganyan." "Let's just face the reality hija, ramdam kong hindi na ako magtatagal. Pero bago iyon mangyari, mangako kayong dalawa sa akin," tugon ng Ginang at napalingon ito sa gawi ni Mike na ngayo'y bakas sa anyo ang hindi maipaliwanag na kalungkutan. Tila hindi humihinga si Levi, nag-aabang sa anumang sasabihin ng Ginang. Napalunok siya at nanlamig bigla ang kanyang mga kamay patungo sa kanyang talampakan. Samantalang si Mike ay kunot-noong matamang nakatitig lang sa ina, at hinihintay rin ang sasabihin nito. "Ayokong mawala ka sa buhay ng mga Montenegro Levi, at para maging ganap ka ng Montenegro, kailangan mong pakasalan si Mike." diretsang tugon nito na gumimbal sa kanilang dalawa. "Pero-" si Levi. "Mama—" si Mike. "That's final! Patapusin niyo muna ako, it's a contract marriage. 2 years lang na man kayong magsasama. Malay natin baka sakaling mag-work," turan ng Ginang na parang balewala lang dito ang sinasabi. Hindi alam ni Levi kung ano ang magiging reaction, una ayaw niyang magdamdam ang Ginang dahil baka ano pang mangyari dito. Nagtataka siya kung bakit ganito ang takbo ng utak ng Ginang. Alam naman nitong para silang aso't pusa ni Mike. Litung-lito ang dalaga feeling niya mababaliw siya sa kalokohang lumalabas sa bibig ngayon ng Tita Thalia niya. "Mama, this is not a good joke," malumanay na tugon ng binata, ngunit halatang pinipigil lamang nito ang sarili na magalit. "No! I'm serious regarding this one, at simula ngayon ayokong nag-aaway kayo, lalo na't nasa harapan ko," saad ng Ginang. Gustuhin mang mag-protesta ni Levi hindi niya magawa, maybe heto na ang hinihingi na kapalit sa pagmamahal na iniukol sa kanya ng Ginang. Titiisin niya ang lahat, para sa Tita Thalia niya. At gagawin niya ang lahat ma-extensionan lang ang nalalabing buhay nito. Bigla na naman niyang naalala ang sinabi ng doktor patungkol sa sinasabi nitong kalagayan ng kanyang Tita. Muli'y kinabahan siya at napalitan ng kalungkutan ang kanina'y nagpo-protesta niyang damdamin. *** "Hoy! Kanina ka pa tulala ah! Tawag ka raw ni sir Mike," pukaw ni Tessa sa bagbag na diwa ni Levi. "Ha?" "Tawag ka raw do'n," ininguso ni Tessa ang pintuan ng opisina ni Mike. Wala sa sariling tumayo si Levi at tinungo ang pintuan ng opisina ni Mike. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. "Come in," ani ng binata na ngayo'y nakatayo na nakatanaw sa may bintana habang nakatalikod sa kanya. "Ano na naman? Kung tungkol ito sa kasal natin, wala ka nang magagawa kundi ang pakasalan ako." diretsang saad niya sa binata. Napaharap si Mike sa kanya. Tila naman parang nag-slow motion sa paningin ni Levi ang tinurang iyon ng binata, kasabay ng pagkabog ng dibdib ni Levi. Napakunot-noo tuloy siya at napangiwi, napansin naman ni Mike ang pagngiwi niya. "Anong balak mo? Papayag ka na lang ba na gano'n na lang? Kakayanin mo bang magpatali sa taong ayaw sa'yo?" nagtangis ang mga bagang na saad ni Mike kasabay niyon ay ang pagkuyom ng kamao. "Of course! Para kay Tita walang imposible sa'kin hangga't kaya ko, kaya kung i-give-up ang sarili kong kaligayahan para sa taong nagmahal sa'kin ng totoo at tinuring ako na anak. At wala ka nang magagawa kundi ang pakasalan ako." nakataas kilay na tugon ni Levi. Kailangan niyang magpakatatag para sa Tita Thalia niya. Kung bakit naman kasi ang pagpapakasal pa kay Mike ang naisipan nitong hilingin? Kulang na lang talaga ay mababaliw na siya sa kaiisip kung ano ba talaga ang tinatakbo ng utak ng kanyang Tita. Lumapit si Mike sa kanya at marahas siya nitong hinila sa braso. Napangiwi siya don dahil sobrang lakas ng ginawa nito. Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa kanya at sa isang iglap ay bihag na nito ang kanyang mga labi. Nang una'y nagulat siya sa ginawa nito, mabuti na lang at alerto siya. Sinabayan niya ang halik nito kahit ang totoo'y wala pa siyang kaalaman sa larangan na iyon, hindi niya akalaing madali lang pala itong gawin. Napaka-simple lang pala. Nang una'y ang marahas na halik ay napalitan nang kakaibang ritmo. Naging maingat ang binata. Biglang naramdaman ng dalaga ang kaliwang braso ng binata sa kanyang bewang para paigtingin pa ang halikang nagaganap. Binuka ni Levi ang mga mata at nakita niya ang nakapikit na si Mike. Hindi niya akalaing gwapo pala ito sa malapitan. Ang makakapal na kilay nito'y bumagay sa mapanga nitong mukha at sa matangos nitong ilong. Malalantik ang mga pilik-mata nito. Naputol lamang ang halikang iyon nang may biglang humila sa buhok ni Levi. Napasigaw siya sa sakit. "Walangya kang malandi ka!! Aahasin mo pang boyfriend ko!" sigaw ng babae mula sa likuran niya. Hindi na niya kailangang hulaan, kilala niya ang tinig na iyon. Nagkagulo sa opisina, mabuti na lang at maagap si Mike at mabilis na nailayo ang nagwawalang si Trisha. Si Tessa ang humila kay Levi paalis sa opisinang iyon. "Ano bang nangyari at hinarass ka ng impaktang iyon?" galit na tanong ni Tessa. "Nahuli lang naman niyang naghalikan kami ni Mike." Gulat na napatitig sa kanya ang kaibigan. Pagdakay binatukan siya nito. "Aray na man Tessa, masakit iyon a," reklamo niya. "Ikaw e, puro ka kalokohan. Tapatin mo nga ako, may saltik ka ba?" "Lukaret! Totoo nga ang sinasabi ko," nakangiting saad niya sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD