Na-guilty si Mike sa narinig mula sa dalaga. Paano nga ba niya maibibigay kay Levi ang tunay na kasiyahan kung walang pag-ibig sa pagitan nila? Maskin siya'y hindi n'ya alam ang nararamdaman para kay Levi. Ang alam lang niya'y gusto niya'ng lagi itong nakikita, makasama sa pagtulog, ni ayaw niyang mawaglit ang magandang mukha nito sa kanyang paningin. Nagpasya ni Mike na umalis ng bahay at pumunta ng bar. Tinawagan niya agad ang kaibigang si Royce. Gusto niyang makapag-isip nang maayos. Pero naisip din niya'ng kailangan niya ang payo ng isang kaibigan. Sa lahat ng kaibigan niya, si Royce lang ang matino kaya heto ang kanyang kinontak. Nasa isang sulok sila ng bar. Kaharap ang bote ng Tequila. Ilang kopita na rin ang naubos ni Mike. He was problematic. Bagong kasal pa naman siya at heto s