Ilang araw na rin ang nagdaan nang masaksihan ni Levi sina Yuna at Mike sa ospital. Hinihintay niyang sabihin sa kanya ng binata ang pakikipagkita nito kay Yuna ngunit wala siyang narinig mula dito. Ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya at ang kakaiba nitong pakikitungo. Nabo-bored na rin siya sa bahay kaya minabuti niyang mag-focus sa pag-manage ng Montenegro flower shop, malapit lang na man ito sa kinaroroonan ng kanilang bagong bahay. Wala namang tutol si Mike sa desisyon niyang iyon. "Ma'am Levi okay lang po ba kayo, napapansin ko pong palagi kayong matamlay," pansin sa kanya ni Fely, isa sa mga katulong niya sa flower shop. Ngumiti siya ng tipid sa dalaga. "I'm fine Fely, may iniisip lang ako," sagot niya dito. Gustuhin man niyang iwaglit sa isipan ang pagkikita ng dalawa sa os