Kabanata 12

1789 Words

"Kailangan ba talaga nating gawin 'to, nakakapagod mag-shopping," angal ni Levi habang hila-hila siya ng binata. May kinausap na saleslady si Mike. Lumapit ang babae kay Levi at sinabi nitong tutulungan siya nito sa mga bestidang babagay sa kanya. Halatang magaling ang babae sa pagpili ng mga bestida. Mabuti naman kung gano'n dahil kung siya ang papipiliin siguradong hindi lang magugustuhan iyon ni Mike. Palibhasa'y mahilig siyang magsuot ng t-shirts, pantalon at pedal shorts. Halos malula siya sa presyong napili ng saleslady, tumaas ang kilay niya rito. "Excuse me, Miss? Wala bang mas mura dito? Ang mahal naman, hindi ba 'to sale?" reklamo niya. Iniisip niya tuloy mapagsamantala rin ang babaeng 'to, kesyo napansin lang nitong ma-pera ang bibili mahilig pang mambola na bagay daw sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD