EDNALYN
“Kapag sinabi kong takbo ay sundin mo at ‘wag mo akong alalahanin. Magpatuloy ka lang. Ako na ang bahala sa sarili ko,” mahigpit na bilin ni Sir Everette kay Ednalyn ngunit iling ang naging tugon ni Ednalyn sa kaniya. Nag-uumpisa na itong humikbi na para bang hindi siya papayag sa kagustuhan ng binatang superior.
"No! Sabi mo tatakas tayong pareho? Bakit ako lang? Hindi ako papayag." Matigas na pagtanggi ni Ednalyn at hindi na pinansin ang matiim na titig sa kanya ng binata.
Hindi pa nga sila natatapos magtalo ni Everette. Sumigaw na ang ilang tauhan dahil nabistong wala na sila sa kwartong pinag kulungan sa kanila.
"Boss, nakatakas ang mag-jowang bihag!" malakas nitong sigaw. Sumunod narinig pa nila ang pagkasa ng mga hawak na baril. Nagtakbuhan agad ang mga tauhan marahil hinahanap sila.
Sininyasan siya ni Sir Everette na 'wag maingay. May hawak silang pareho na baril galing sa bantay nila kanina sa labas ng mapatulog nila ito sa malakas nilang palo at suntok.
"Sir Everette, paano tayo niyang makakatakas? Kaniya-kaniyang na silang hanap,” takot na tanong ni Ednalyn sa superior na si Everette.
Napahilamos naman sa mukha niya ang katabi n'yang si Everette at tumingin sa kaniya.
“like I told you earlier. Kapag nag-umpisang mag barilan doon ka tumakas at ako na ang bahala sa bawat hahabol sa 'yo,"
"Pero, Sir Everette!" hindi sumasangayon na saad niya rito.
"Hwag matigas ang ulo, baby! Pareho tayong paglalamayan dito kung magkasama tayong lalaban sa mga hangal na iyon. Kaya please lang this time makinig ka sa 'kin. Gusto ko pang mabuhay tayong pareho. Kung katabi kita hindi ako makakalaban. Pangako, uuwi ako sa 'yo ng ligtas.”
Hindi na nadugtungan ang pag-uusap nila dahil dumadagundong ang boses ng boss ng mga ito na tila asong ulol sa pagbibigay ng utos sa mga tauhan.
"Hanapin n'yo! Hindi pa nakalalabas ang mga iyon!" Malakas ang boses na utos nito sa mga tauhan at hindi pa nahusto ang animal nilang boss nagpaputok pa ng baril na parang nauulol sa mga oras na iyon.
"Huwag hahayaang makalabas dito ng buhay maliwanag!" Sigaw ulit nito. Muli, sunod narinig nila Ednalyn. Ang mga nagtatakbuhan mga tauhan nito tila hinahanap na sila.
Mahabang buntong-hininga ang narinig ni Ednalyn sa katabing si Everette. Ramdam niya ang bigat noon sa panganib na kinakaharap nila.
Nagtaka si Ednalyn ng mahigpit pa siyang kibigin ni Everette, upang yakapin at mariin na hinalikan sa noo at pagkatapos pinagdikit niyon.
"Lalantad ako. Ikaw naman dahan-dahan na lumakad papalayo at lumabas dito sa kasukalan. Mangako ka na hindi mo ako iintindihin at ang iisipin mo lang ay ang tumakas–"
"No! Makikipagsabayan tayo–"
"Hwag ng matigas ang ulo, baby! Hindi natin kaya sa oras na ito lalo na wala tayong dalang armas. Magtiwala ka lang sa sinasabi ko. Para sa 'tin din ang ginagawa kong ito," mahina lang ang pagkakasabi niyon pero alam ni Ednalyn na hindi nagbibiro ang superior niya.
"One, two, three. Ngayon na baby, move!”
"Ayaw ko!"
"Nakita ko na boss," halakhak ng isang tauhan animo ipinagmamalaki nito sa amo.
"Good! Ano pang inaantay n'yo paulanan ng bala!” malakas naman na sagot ng animal na boss nito na akala mo hari kung makautos.
"Baby, go!" Umiigting ang panga na utos sa kaniya ni Sir Everette.
Umiling si Ednalyn subalit napatili siya ng ratratin sila ng bala sa kanilang pinagtataguan.
"Sir Everette..." tanging nasambit ni Ednalyn.
"Faster, Jade!" Sigaw sa kaniya ni Sir Everette. Nakita pa niya ang pag-iwas nito ng tingin pagkatapos siyang masigawan.
Napaigtad pa siya sa lakas ng sigaw nito sa kaniya. Nag-unahan ang pagpatak ng luha ni Ednalyn at dahan-dahan na tumalikod at nagmamadali siyang tumalilis.
Ramdam din niya habang papalayo siya ang mainit na titig ni Sir Everette sa likuran niya nakasunod sa kaniya.
"Boss, ang maganda babae tatakas," saad ng Isang hangal na tauhan nakakita sa kaniya.
"Huwag hahayaang makalayo," narinig pa ni Ednalyn, na sagot nito sa tauhan. Pero ano ang akala ng mga ito magpapahuli siya sa mga hangal na tauhan nito. No way. Hindi niya hahayaan na balewala ang sakripisyo ni Sir Everette sa pagpatakas sa kaniya.
Mahinang ngumisi si Ednalyn at nagkubli habang nakiramdam. Parang mga tanga naman na naghahanap ang humabol sa kaniya dahil hindi siya makita.
Gustong humalakhak nang malakas ni Ednalyn ng mapakamot sa buhok ang Isa tauhan. Kitang- kita niya sa kaniyang pinag kublihan malaking puno ang tuliro nitong paghahanap.
"Narito lang iyon," kausap nito sa dalawang kasama.
"Kapag hindi natin makita malalagot tayo kay Boss. Mabuti pa maghiwa-hiwalay tayo." suggest pa nito sa dalawa at sinang-ayunan agad ng kasama.
Nag dahan-dahan ang isa na sumilip sa mga malalaking dahon. Mabilis ang kilos naman ni Ednalyn at bumago ng p'westo nasa likuran na siya ng lalaki. Kinalabit niya ito at gusto niyang matawa sa reaction nito.
"Sabi ko maghiwa-hiwalay tayo ano't bumalik kayo," angil pa nito.
Pinigilan ni Ednalyn ang paghagikhik at muling kinalabit sa ulo nito. Kaya kinamot nito ang ulo.
"Ang kulit n'yo ha!" saad pa at humarap pagkatapos ay nanlaki ang mata pagkakita sa kaniya.
"I-ikaw?"
Ngumisi si Ednalyn dahil sa pagbalatay ng pagkabigla sa tauhan ng makita siya. Akmang ikakasa nito ang baril subalit maagap na nauunahan iyon ni Ednalyn.
Sapol sa mukha nito ng suntok galing sa kaniyang kamao. Sa sobrang lakas noon nabiling pa ang ulo nito. At hindi pa nahusto si Ednalyn. Pagkatapos sa mukha sa tiyan nito ang sunod-sunod niyang pinatamaan ng suntok. Ang hangal naman na lalaki mahinang klase dahil tatlo lang iyon na suntok ay bagsak na ito.
"Mahina pala ang mga tauhan ng hudas," she smirk. Pagkatapos nagpagpag pa siya ng kamay.
Muling ipinagpatuloy ni Ednalyn ang pagtakbo subalit sa loob ng wearhouse na pinagkulungan sa kanila ay walang tigil ang putukan. Gustong bumalik ni Ednalyn subalit inisip niya ang mahigpit na bilin ni Sir Everette, na ‘wag siyang babalik. Bahala na raw ito sa sarili ang isipin na lang niya ay ang sariling kaligtasan.
Kahit labag sa loob niya ang gagawin sinunod ni Ednalyn ang utos ng kaniyang superior. Baka nga tama ito makakalaban ito ng sabay na hindi inaalala na kasama siya. Kilala niya ang kaniyang Sir Everette, kayang-kaya niyon labanan ang mga kriminal na salot sa lipunan na sumisira sa buhay ng kabataan.
Muli niyang binilisan ang tila walang katapusang pagtakbo kahit pagod na siya. Hanggang may mamataan siyang kalsada. Highway? Nakapiring kasi ang mata ni Ednalyn ganoon din si Sir Everette nang dalhin sila roon sa warehouse.
Nag-antay si Ednalyn na may dumaan na puwede niyang masakyan. May ilan-ilan mga malalaking truck at kotse ngunit kahit anong pagpara niya ay hindi siya hinihintuan ng mga ito.
"Para po!" malakas ang loob na hinarang na talaga ni Ednalyn ang isang tricycle. May sakay itong babae sa loob at medyo hindi nalalayo ang edad sa lalaking nasa manibela.
Nagtagumpay si Ednalyn na mapahinto. At lumapit siya ng tuluyan upang makipag usap. Tinitigan siya ng babae. Marahil ka edad niya lang ito o matanda siya ngunit hindi malayo ang agwat.
"Ahm...miss baka puwede n'yo ako maisabay patungo sa mga may bumibiyahe na pang publiko sasakyan," pakiusap dito ni Ednalyn.
Mataman siyang pinasadahan ng tingin ng babae. Maganda rin ito simple ganda. Ang cute nga nito dahil may bangs at slim ang katawan.
Well siya naman ay sexy iyon nga lang hindi pang miss universe ang ka-sexy-han. Malaman kasi siya pero hindi mataba hindi rin chubby. Medyo kasya pa naman ang size ng pantalon niyang 27. Hindi talaga siya tumataba hanggang ganito lang talaga ang size niya kahit anong kain. Pero ang kaharap niyang babae, hula niya ay 25 lang ang waistline nito.
"Hoy Merlyn! Alis na tayo," wika ng driver ng tricycle.
'Aba masungit ang mamang ito,'
"Wait lang Kuya, mukha kailangan ng tulong ng babae," sagot nito sa masungit na driver.
"Naku ayan ka naman sa pagkamatulungin mo baka nakakalimutan mo noong nakaraan buwan may tinulungan kang bata na kunwaring namamalimos ang ending hinablot ang kwintas mo," tila pasermon ng wika ng may reglang lalaki.
"Eh, Kuya kawawa naman siya," sagot ng babae sa tinatawag nitong kuya.
Si Ednalyn naman ay bumulong sa pagkabanas sa hambog na tricycle driver.
'Akala mo kung sino maka husga. Tss,'
"Miss...sakay na," saad ng babae. Umusog ito upang bigyan siya ng espasyo sa tabi nito at nginitian pa siya.
Ngumiti rin si Ednalyn. Hindi na siya nagpakipot upang tuluyang makalayo sa lugar na iyon.
"Salamat miss–" saad niya ng makasakay sa loob.
"Naku wala iyon. Mukha ka naman mabait eh," wika sa kaniya.
Pinaandar na ng driver ang tricycle habang siya ay tahimik lang sa kinauupuan at iniisip si Sir Everette. Sana nga ay ligtas ito, sana nga tuparin nito ang pangako na ligtas at babalik sa kaniya.
Sumisikip ang dibdib ni Ednalyn, kapag naalala kung anong kalagayan ngayon ni Sir Everette. Nakalimutan niya na may kasama siya loob, nagtataka ito na may luhang pumatak sa kaniya mata.
Napatingin siya rito ng tapikin nito ang kaniyang balikat at ngumiti.
"Pasensya ka na may naalala lang," ngiti ni Ednalyn sa bagong kakilala.
"Wala ako sa lugar upang magtanong. Pero para sa ikagagaan ng loob mo. Ibigay mo lang sa itaas hindi ka noon bibiguin," saad sa kaniya.
"Thank you," matipid niyang sagot sa bagong kakilala babae.
Naalala ni Ednalyn ang mga kaibigan niya sa hideout sa bago nakilala na babae. Kumusta na kaya ang mga ito? Si Speed at Queen kasi ay may asawa na at anak. Habang ang iba pa niyang naging mga kaibigan sa hideout ay may sari-sariling misyon sa buhay at iniwan ang pagiging agent.
Hindi na kasi s'ya dumadalaw sa mga bruha niyang kaibigan ilang buwan na ang nakaraan.
Sa pag-iisip ng kung ano-ano nakalimutan ni Ednalyn na tatawagan pala niya si boss Chinito at ipaalam na kailangan ng tulong ni Sir Everette.
Kahit nahihiya naglakas loob si Ednalyn na maghiram ng phone sa babae.
"Miss, kalabisan man pero maari ba akong makahiram sa ’yo ng cellphone? May kailangan lang akong tawagan," pakiusap niya rito. Napangiwi pa si Ednalyn baka mapahiya siya at masyado ng demanding nakisakay na nga nakuha pa n'yang humingi ng pabor sa bagong kakilala.
"Merlyn na lang miss, Uhm kaya lang wala akong pangtawag. Kung text p'wede pa ito," hingi pa nito ng paumanhin sa kaniya.
"Sige kung ayos lang din sa'yo. Ako nga pala si, Ednalyn," pakilala niya rito.
"Ito na Ednalyn, pasensya ka na at pang mahirap ang cellphone ko," iniabot ni Merlyn sa kanya.
"Sus, wala iyon ako rin naman. Katunayan ay di keypad pa cellphone ko," sagot niya pero tila hindi ito naniwala sa kaniya sinabi.
"Talaga? Mukha ka nga mayaman at ang ganda mo kahit madungis ang iyong mukha. At ito ano ito, pasa? Kahit mayroon ka niyan hindi ipagkakaila na maganda ka," wika sa kaniya.
Sasagot na sana si Ednalyn pero huminto na ang sinasakyan tricycle sa isang may kalumaan na bahay. Bumaba ang bagong kakilala babae kaya sumunod siya.
Nagtipa muna si Ednalyn nang mensahe sa boss Chinito niya at nang masiguro na send na niya ito mabilis na binura bago ibalik ang phone kay Merlyn.
"Salamat," gusto sana magtanong ni Ednalyn kung dito ba ito nakatira subalit sinarili na lamang niya iyon.
Mukha nahulaan nito ang iniisip niya kaya ngumiti at nagsasalita.
"Hindi ako rito nakatira. Sa Kuya ko ito. Sinamahan ko lang mamili sa palengke at birthday ng anak bukas," kwento sa kaniya ni Merlyn. Inginuso pa nito ang mga pinamili sa likuran upang ipakita sa kaniya.
Tumango si Ednalyn at hindi na natanong kung saan talaga ito nakatira at kalabisan na iyon kung gagawin nga niya.
Pagkatapos magpaalam ni Ednalyn kay Merlyn tumalikod na siya rito. Subalit nakaka ilang hakbang pa siya ng muli siyang humarap sa bagong kaibigan.
"Ah, eh...Uhm...M-merlyn alam ko nakakahiya na pero lulubusin ko na ang paghingi ng tulong sa'yo. K-kung may cash ka sana?" aniya rito at nahihiya pa siya ngumiti.
Napapikit ng mata si Ednalyn dahil narinig ulit niya ang pamimintas sa kanya ng Kuya nito.
'Sabi ko na nga mapag samantala–'
"Kuya!" maagap na saway nito sa kapatid.
"Pagpasensyahan mo na lang ang Kuya ko, ha? Mabait naman iyan takot lang ma loko," wika pa sa kaniya nito.
"Naku ayos lang iyan. Mahirap nga naman magtiwala at ngayon pa tayo nagkakilala. But I can guarantee you, hindi ako masamang tao. Sadyang nalagay lang sa panganib," laban niya rito.
"Ito," kinuha pa ang kamay niya at inipit ang papel na pera. Tiningnan ito ni Ednalyn.
"Ang laki naman kahit sana 200 pesos lang," protesta niya.
"Ayos lang baka magutom ka sa daan may maibibili ka ng pagkain. Sige na kunin mo na," palakaibigan nitong ngiti.
"Thank you," aniya. Nginitian pa ito ni Ednalyn at pinisil sa kamay.