HINDI ako lumingon at dire-direchong naglakad papasok sa malapit na convenience store para pakalmahin sandali ang sarili ko.
Gusto kong murahin si Lourdes! Bakit hindi nito sinabi na iyon ang laman ng paper bag? And how careless of me na hindi ko man lang sinilip ang laman ng bitbit ko! Hindi sana ako napahiya nang ganoon!
Bumili ako ng tubig at naupo sa isa mga mesa roon. Nanginginig pa ang katawan ko dahil sa nangyari!
Pagkatapos kong kalmahin ang sarili ay inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Lourdes. Boss ko siya, pero hindi ko mapapalampas ang nangyaring ito!
“Yes, Annie?”
“Damn you, bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa laman ng paper bag?”
Ilang sandaling katahimikan bago ko narinig ang halakhak niya sa kabilang linya. “Oh, why? May nangyari ba sa laruan ko?”
“Oh, my goodness, Lulu! Nakakahiya! Sumambulat ang d***o sa kalsada at may isang siraulong lalake ang nakakita at inakalang gumagamit ako noon! What have you done to me, Lulu?”
“O, bakit? Kasalanan ko ba na nahulog ang laman ng paper bag? Bakit hindi mo iningatan?”
“I can’t believe this! Kung sino man ang gagong lalakeng iyon ay siguradong iniisip niya na ito ang pampalipas-libog ko!”
“Whoever he is, malamang hindi na kayo magkita, Annie. Don’t worry about it. O, ingatan mo ‘yang laruan ko. Kukunin ko ‘yan sa’yo pagbalik ko. Goodnight, Annie!”
Hindi na ako nakasagot pa ulit. Gigil na ibinalik ko sa bag ang cellphone. Nakita ko ulit ang d***o at napapikit.
Sana lang talaga ay hindi na kami magkita ng pesteng unggoy na ‘yon! Siguradong nakatatak na sa malisyosong utak ng lalakeng ‘yon na gumagamit ako ng d***o! Gayong ni sa panaginip ay hindi ko binalak na gumamit nang gano’n!
Oh, Lourdes, humanda ka at masasabunutan kita pagbalik mo!
MAAGANG-MAAGA pa nang bumangon ako kinaumagahan. Bago maligo ay nag-iwan muna ako ng ‘good morning’ message para kay Daniel - ang boyfriend kong nasa Japan ngayon nagtatrabaho.
It’s been a year and five months since he left. Pitong buwan pa ang hihintayin ko sa pagbabalik niya at hindi ko mapigilan masabik kapag naiisip ang tungkol doon.
We’ve been in a relationship for more than seven years. At hindi ko maiwasang umasa na sa pagbabalik ni Daniel ay aalukin na niya ako ng kasal.
I’m already thirty-five. Si Daniel naman ay thirty-six. Marami na ring nagsasabi na dapat ay magpakasal na kami at lumagay na sa tahimik.
Sinuot ko ang paborito kong oversized T-shirt at shorts at saka lumabas ng kwarto. Dumirecho ako sa maliit na kusina ng duplex ko para maghanda ng aalmusalin. It’s only seven in the morning. Alas otso ang karaniwang oras ng alis ko sa bahay papasok sa office.
Nagluto ako ng oatmeal at nilagyan iyon ng sari-saring prutas. Wala pang reply si Daniel sa message ko sa kaniya kanina. Sanay na ako roon dahil alam ko kung gaano siya kaabala parati dahil sa trabaho. Nag-message na lang ako sa assistant kong si Ricky habang inuubos ang oatmeal. Ni-remind ko siya na kailangan na niyang pumasok ngayong araw.
Pagkakain ay lumabas ako para bisitahin naman ang mga alaga kong halaman sa aking bakuran. Napansin ko agad ang magarang kotse na nakaparada sa garahe ng katabi kong bahay. I own a unit of this duplex. Ang alam ko ay ibinebenta ang katabing property dahil nag-migrate na ang mag-asawang may-ari noon noong isang buwan. Ni-refer ko nga ang unit na iyon sa isa sa mga kliyente namin dahil naghahanap daw ito ng bahay. Pero walang nabanggit sa akin si Mr. Austria tungkol doon kaya malamang na hindi ito ang nakabili. But looking at the car, my new neighbor must be rich.
Hinila ko na ang garden hose at nagsimulang magdilig. Isa sa mga pangtanggal ko ng stress ang pag-aalaga ng mga halaman. Most of them are ornamental plants na binibili ko talaga kahit may kamahalan at saka ko pinalalago. Nabigyan ko pa nga sina Lourdes at Ricky ng ilan sa mga ito.
“Good morning!” bati ng baritonong boses. Pag-angat ko ng tingin ay saktong nagtama ang mga mata namin ng taong nakatayo sa kabilang bakod.
Hindi ko naitago ang pagkagulat nang makilala ko ang lalakeng nakaagawan ko ng taxi kagabi. Siya man ay halatang nagulat din. Pero hindi gaya ko ay mabilis siyang nakabawi.
Mabilis na dumaloy sa isip ko ang mga eksena kagabi. Hindi ako makapaniwala! Siya ba ang bagong nakatira sa kabilang duplex?
Unti-unting lumapit ang lalake sa iron fence na naghahati sa aming bakuran. The man is tall, tantita ko ay nasa six feet ang height niya. And despite his stubbles, the man looks young. Siguro ay nasa mid-twenties pa lang ito. Isinampay niya ang mga braso niya sa iron fence at saka ngumisi sa akin.
“I can’t believe this! Kapitbahay pala kita?”
I pretended to be unaffected. Nagkibit ako ng balikat. “Good morning, neighbor!” malamig na bati ko saka ko siya tinalikuran.
Ano bang klaseng biro ito? Sabi ni Lourdes ay malabong magkita ulit kami ng lalakeng ito, pero heto at kapitbahay ko pa pala!
“I’m Jeff. Jefferson Carl Navarro. Anong pangalan mo?”
Wala akong pakialam kung sino siya. Minadali ko ang pagbasa sa mga halaman ko para makapasok na sa bahay.
“Hey, Neighbor! Don’t tell me na hindi maganda ang gising mo? The toy didn’t satisfy you, did it?”
Nagbingi-bingihan pa rin ako. Ayoko nang patulan siya at masisira lang ang araw ko. Well, medyo sira na nga!
“Tsk, tsk! Ikaw naman kasi. Inaya na kitang mag-hotel kagabi tatanggi-tanggi ka pa. Nanghihinayang ka siguro sa offer ko?”
Doon nagpanting ang tainga ko. Mabagsik ko siyang nilingon at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang hawak kong hose at pinasiritan siya nang masaganang tubig.
“Hey, hey, stop it!” ilag niya at mabilis na lumayo sa bakod. Pero nahabol pa rin siya ng tubig galing sa aking hose. Napatawa ako. Basang-basa na kasi siya nang tumigil ako.
“Ganito ka ba mag-welcome ng bagong kapitbahay?” nakasimangot na tanong niya.
Tumaas ang mga kilay ko. “Bakit, hindi ba nila ‘yan nasabi sa’yo?”
Umiling-iling siya. “Whatever! Salamat na rin dahil maliligo na talaga ako,” sagot niya at ibinalik ang nakakabwisit na ngisi sa mukha. “So you are?”
“You don’t expect me to tell you my name dahil lang kapitbahay tayo. At h’wag kang luluko-luko rito kung ayaw mong i-reklamo kita. Naiintindihan mo?” nagbabantang sabi ko at pinandilatan siya ng mga mata.
“Woah, relax! Hindi ako makikipag-away, okay? As I’ve said, I’m Jeff. Kapag nangailangan ka ng tulong, pwede mo akong katukin anytime. That’s what neighbors do, right?”
I smirked. “Asa ka pang hihingi ako ng tulong sa’yo.”
“Ano bang kasalanan ko at galit ka kaagad sa akin? ‘Yong nangyari kagabi, sincere ako roon. I’m offering you my…uhm, myself para hindi ka na magtiis sa laruan mo.”
“Hindi nga sa akin ‘yon, hindi ka ba makaintindi? Hindi por que nakita mong dala ko ay iisipin mo nang gumagamit ako no’n! At kahit sa akin pa ‘yon, wala ka pa ring pakialam! Mas gugustuhin kong gumamit ng d***o kesa pumatol sa kagaya mo!”
“Fine! Kung hindi sa’yo, e, ‘di hindi! Naniniwala na ako.”
Hindi ko alam kung bukal sa kaniya ang sinabi niyang iyon. May naaaninag pa rin kasi akong ngiti sa mga labi niya. Sandali ko pa siyang pinagmasdan bago ko ulit siya tinalikuran. Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko.
“Masarap bang magdilig ng halaman?”
Nilingon ko si Jeff, hindi para sagutin kundi para irapan. Bakit ba hindi pa ito umalis?
“Mabuti pa ang mga halaman mo mukhang madalas madiligan. Hindi ka ba naiinggit?”
Nag-inusok agad ang ilong ko sa pangalawang tanong niya. Pero bago ko pa maitaas ang hose sa kaniya ay mabilis na siyang nakaiwas at tatawa-tawang nagtatakbo papasok sa bahay niya.