ITINAPON ko ang folder sa ibabaw ng desk pagpasok ko sa aking opisina. Padarag akong naupo sa swivel chair at sinapo ang aking noo. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo ulit ako at hinarap si Ricky. Hindi naman nito malaman kung ngingiti ba o ano. “Miss Annie, may problema ba?” tanong nito. Umiling ako. Maayos naman na nagsimula ang araw ko kanina. Binisita kasi ako kagabi ng bunsong kapatid kong si Andres sa duplex at nadala ko ang magandang mood hanggang sa pagpasok ko sa office pero, pagkatapos ng coffee break ko with Lulu ay sinalubong ako ni Ricky para sabihing nagbago raw ang isip ni Jeff Navarro. “Hindi ba sinabi ni Mr. Navarro kung bakit kailangan din ako sa opisina niya?” “Hindi po, Miss. ‘Yong secretary pati ni Mr. Austria ang nakausap ko.” Nagbuga ako ng hangin at dina