UMALIS agad ang waiter matapos nitong ilapag isa-isa ang orders namin. Nag-angat ako ng tingin kay John. Alam kong mula pa kanina ay hindi na niya inalis ang paningin niya sa akin. So ito pala ang older brother ni Jeff. Kaya pala pamilyar siya ay dahil magkamukha sila though Jeff is fair and taller. “Do you want to eat first o gusto mong dumirecho na agad sa meeting?” tanong ni John. Maharan akong tumikhim bago sumagot. “I supposed this meeting is not about business. Dahil kung nagkataon lang na ito, you won’t bother to mention your brother’s name.” “You’re right. Nalaman ko ang tungkol sa’yo noong isang beses na pinuntahan ko ang kapatid ko sa office niya. Pagkatapos noon, pinasubaybayan ko siya. Nalaman kong magkatabi ang tirahan n’yo pero, mas madalas na sa unit mo nagpapalipas ng