“READY na ang creative team, dear?” tanong sa akin ni Lulu nang maupo siya sa harapan ng aking office desk. I sighed. “Almost. Hinihintay ko na lang ang final presentation mula kay Hugo,” tukoy ko sa aming Senior Graphic Designer. Inayos ko ang folders na aking hawak at ipinasok sa drawer. “Oh, bakit mukhang matamlay ka? Are you sick or something?” Tumingin ako kay Lulu. “Wala naman. Kinulang lang siguro sa tulog.” She chuckled. “Bakit? Sino bang pumuyat sa’yo?” Napasimangot ako. “Ano bang tanong ‘yan, Lulu? Nahirapan lang akong matulog kagabi and that’s it.” “All right, all right! H’wag kang mapikon, dear. Anyway, gusto kong makita muna ang final presentation bago ang meeting natin mamaya sa partners ng Hayal. I look forward for their approval especially from your ‘younger brother’