• JESSICA POV • NAGISING AKO sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Unti-unti akong dumilat at napansin ko agad si Rylan na katabi ko at nakayakap pa sa akin. Napatakip ang bibig ko tsaka tinignan ang ilalim ng kumot kung may damit pa ba ko. Nakahinga ako nang maluwag ng makita kong nakadamit pa naman ako. Inalala ko ang nangyari kahapon at hindi ko maiwasan ang matakot. “Thank you,” mahinang sabi ko kay Rylan. Hinawakan ko ang maamo niyang mukha ng dahan-dahan para hindi siya magising tsaka ko siya tinitigan. “Siguro kung hindi ka dumating kagabi ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.” Ngumiti ako nang maalala ang mga ginawa ni Rylan. Maingat kong tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko tsaka dahan-dahan rin bumaba sa kama. Nakita ko ang kamay niya na may bahid ng du