• JESSICA POV • HABANG NAKATITIG ako sa PC ko ay hindi ko maiwasan mapatulala dahil sa nangyari sa akin kahapon. “Hindi ba wala naman unit sa 18th floor?” Bigla kong naalala ang sinabi ng babae na nakasabay ko sa elevator. Nagbuntong hininga na lang ako tsaka tumayo. Nagpunta ako sa coffee room para magtimpla ng kape. “Ayos ka lang ba Jessica?” “Sorry. Nagulat ba kita?” Tumingin ako kay Kristof na nagsalita. “Ayos ka lang ba?” Tanong niya. Tumango ako sa kanya pero ramdam ko pa rin ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Ito ba ang epekto ng trauma sa akin? “Ayos lang,” sagot ko sa kanya at kumuha ng espresso. Kinuha niya ito. “Ako na,” sabi niya at inilagay niya ang bala sa coffee maker kaya kumuha ako ng baso at nilagyan ng ice cube tsaka ibinigay kay Kristof. Inilabas k