• RYLAN POV • “Rylan… Ang init. Buksan mo naman ang aircon.” “Nakabukas na ‘yan. Naka todo pa nga.” “Bakit ang init?” Kinuha niya ang cellphone niya dahil tumunog ito. Ganitong oras may tumatawag pa sa kanya? Baka si Red. Lumapit ako sa kanya at nakita kong si Kristof ang caller kaya mabilis kong inagaw ang cellphone niya at pinatay ko ito. “Bakit mo pinatay?” Inis na sabi niya. “Ganitong oras tatawag siya?” inis din na sabi ko. “Baka importante.” Lalo akong nainis dahil parang gusto niya rin kausap si Kristof. “Importante? Jessica alam mo bang may gusto sa’yo si Kristof?” Bakit parang nagseselos ako sat ono ko?! “Nagseselos ka naman talaga!” bulong sa isip ko. “Oo alam ko! Anong masama don?!” baling niya sa akin. Tumayo ako “Bakit? May gusto ka rin ba sa kanya?!” “A