• 3rd PERSON POV • KINAUMAGAHAN nang magising si Jessica ay nakaramdam siya ng pananakit ng buong katawan niya lalo na sa kanyang pang-ibaba. Inalala niya ang nangyari kagabi at napatakip na lang siya ng mga kamay niya sa kanyang bibig nang maalala ito. “OH MY GOD! May nangyari sa amin?! Pinayagan ko siya na may mangyari sa amin.” Mahinang sabi nito. Hindi naman niya pinagsisisihan ito ngunit nandoon ang takot niya na baka mabalewala na siya at hindi na ituloy ang kasal dahil nakuha na nito ang bataan niya. “Hindi naman siguro. Sabi niya naman ay seryoso siya sa’kin.” Dahan-dahan tumayo si Jessica para magpunta sa CR. Napansin nito na suot niya ang T-shirt ni Rylan kaya napangiti ito sa harap niya na nakatingin sa salaminan. “Bagay pala sayo ang ganitong mga damit.” Napahagikgik