CHAPTER 4

1790 Words
• JESSICA POV • "Rylan ano ba! Nandiyan na yung mga pagkain natin." Wala nang nagawa ito nang alisin ko ang kamay niya at siniko ang tagiliran niya kaya umayos ito ng upo. "Here's the order Sir, Ma'am. Wala na po ba kayo ibang kailangan?" tanong ng waiter. "Wala na po thank you," sabi ko agad para umalis na sila, paano nang-aasar yata itong lalaking 'to. Pinasok ba naman ang kamay niya sa skirt ko kaya pag-alis na pag-alis ng mga waiter ay nakurot ko siya sa tagiliran niya. "Aaahhh! arayyy naman! Napaka sadista naman ng future ko." "What?!" gulat na tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Future girlfriend naman talaga kita ah." "Asa ka! Kahit kailan hindi kita magiging boyfriend." Madiin na sabi ko sa kanya. Not him! pinsan siya ni Red. "Bakit? kasi pinsan ako ni Red?" tanong naman nito. Hindi ko na lang siya sinagot. Kinuha ko ang pork at spoon sa harap ko. "Akala ko ba gutom kana?! Ayan na oh! kumain kana," sabi ko dito, nag-uumpisa na kasi ako kumain nakakahiya naman kung ako lang ang kumakain tapos siya nakatingin lang sa akin. "Sungit naman nito, baka nakakalimutan mo Boss mo ako," sabi niya kaya tumaas ang kilay ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mo rin nasa labas tayo ng office mo at wala sa trabaho?" balik ko sa kanya. "Trabaho ang ipinunta natin dito," sabi niya. *Sigh* "Ok! Sir sorry po!" sabi ko na lang. "But don't call me Sir! kapag tayo lang dalawa." "No! I will call you Sir. Empleyado mo pa rin ako trabaho man o hindi, nasa office man tayo o wala, i will call you Sir." Simula ngayon di ko na siya tatawagin sa pangalan niya. "Call me Rylan kapag dalawa lang tayo!" May diin na sa tono ng boses niya. "And Sir! Please wag niyo na po sa'kin gagawin ang mga bagay na ‘yon, kapag sinusumpong kayo ng pagiging maniac niyo!" Madiin din na sabi ko. "Jessica." Tila lumabot naman ito sa sinabi ko. "I'm sorry! Galit ka ba?" paglalambing nito. Ewan ko! Galit ba ako? bakit? bakit naman ako magagalit? "Wala po akong karapatan magalit. Boss po kita, secretary mo ako, binabayaran mo ako sa mga trabaho ko, sana lang po gawin mo lang din yung mga dapat na trabaho ko talaga. Tratuhin niyo rin po ako ng normal katulad sa mga empleyado mo." Paliwanag ko dito. Ayan tama ‘yan Jessica, mahirap na baka mahulog ka pa diyan! Halatang playboy! Kaya nga binansagang Casanova. Hays! Mag pinsan nga kayo ni Red! "Kain na po kayo Sir, 'di ba may meeting pa po kayo mamaya?" Wala ng nagawa si Sir Rylan kaya kumain na lang din ito. Habang kumakain ay walang umiimik, tahimik lang kaming dalawa. Nang matapos ako kumain ay nagpaalam ako sa kanya. "CR lang po ako Sir." Tinanguan lang niya ako kaya umalis na ako. Pag pasok ko sa CR ay tumingin ako sa salamin. "Bakit parang kasalanan ko pa?" Nakita ko kasing nalungkot si Sir sa mga sinabi ko. Hays! Mas Ok na rin 'yon para hindi na lumala pa. • RYLAN POV • Pag-alis ni Jessica agad akong na pasandal sa upuan ko. Inisip ko lahat ng sinabi ni Jessica sa’kin. Somobra yata ako sa kanya kanina kaya nagalit sya, ‘di ko alam ang gagawin ko ayoko makita s’yang galit sa’kin, hindi naman ako ganito! Tama naman siya Boss niya ko at Secretary ko siya. Pero bakit parang hindi ko gusto ang sinabi niya. “Ano ba kasi ginawa mo Rylan! Ok naman kayo kanina ah?” inis na sabi ko sa isip ko. Tinawag ko na ang waiter para sa bill ko. Agad naman din s’yang bumalik kaya binayaran ko na ito with tip. Kinalma ko ang sarili ko ng makita ko na si Jessica na pabalik sa table namin. "Let's go" Sabi ko dito, tumango lang siya sa’kin at sumunod sa likod ko. Nag-aantay kami sa elevator, nang bumukas na ito ay agad na itinabi ko siya sa gilid ko, may mga nag labasan kasi galing sa loob ng elevator, nakayuko kasi siya kaya ‘di niya nakita buti na lang na hila ko agad siya kung hindi baka na bangga na siya ng mga tao. Pumasok na kami ng wala ng mga tao, pinindot ko ang floor ng room naming sa 19 floors. Ilang sandali pa ay huminto na ang elevator, andito na kami kaya agad kaming lumabas pagbukas nito, hinanap ko ang room number namin. "Ayon." Turo ko kaya doon kami nag punta, binuksan ko agad ito at inilibot ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto! Isang bed lang ito at may malaking bintana na tanaw ang buong city, eto na lang daw kasi ang available room nila wala ng mga double bed dahil lahat occupied na. May party daw kasi mamaya sa hotel at ang mga guest ng mga ito ay nakacheck-in dito sa hotel. *Riiinngggg* Sinagot ko agad ang phone ko ng mag ring ito. "Ok, I’ll be ther in a few minutes," sabi ko sa ka meeting ko, nasababa na raw kasi siya. "Jessica, magpahinga ka na muna dito, nasa baba na raw yung ka meeting ko." sabi ko sa kanya. "Yes, po Sir." Napabuga na lang ako sa hangin ng tawagin niya na naman akong Sir. Pinanindigan na niya talaga ang sinabi niya. “Bakit ba Rylan? Boss ka naman talaga niyan! Anong gusto mo itawag niyan sayo? ‘Di mo naman girlfriend ‘yan.” "Kapag may kailangan ka tumawag ka lang diyan, ayan may telephone diyan." sabi ko na lang. "Opo." "Sige saglit lang ako, babalik agad ako pagnatapos na kami," sabi ko dito kaya umalis na ako. Pagbaba ko ay agad akong nag punta sa meeting place namin. Isang business man ang ime-meet ko ngayon, bibili kasi ito ng maramihang phone at laptop. Mga phones para sa mga empleyado niya at mga laptop para sa mga staff sa itatayo niyang business. Tapos na kasi ang Hotel at Resort na pinatayo niya sa Amanpulo, at gusto niya bawat empleyado niya may company phone, at bawat staff niya na namamahala sa office at counter naman ay may mga sariling laptop. Umabot ng tatlong oras ang meeting namin dahil ang hirap kausapin ng kausap ko, ang hirap niyang umintindi pero naging Ok rin naman ito at nag close deal na kami. Sa una medyo hindi kasi kami nag ka sundo sa offer niya! Hindi naman pwede ‘yong gusto niya dahil malulugi kami, kaya ipinaliwanag ko mabuti ang mga gadgets namin at wala rin siyang choice kaya pumayag na siya, mababang offer na ang ibinigay ko sa kanya tatanggi pa siya? tsaka wala na siyang mahahanap na ganong mababang offer. Kung sa mga mall siya bibili mas mapapamahal siya dahil mall price na ang mga iyon. Ako mismo ang mag dadala ng mga item sa Amanpulo kapag dumating na agad ang mga gadgets na galing pang US, itinawag ko na rin kasi agad ito matapos namin magkasundo at magpirmahan ng contract! Medyo madami ito kaya pina rush ko kay Marcus, sakto na sa US siya dahil may business din siya don para naman sa isang field na hawak niya. Ang airline ng Mccrae family, dapat ako ang na sa airline dahil pilot si Daddy, pero dahil wala akong hilig sa ganyan ay nag palit kami ni Marcus, mahilig kasi ako sa gadget bata pa lang ako kaya dito ang gusto ko, mabuti na nga lang Ok lang kala Lolo as long na nasa Mccrae Company pa rin kaming mag pi-pinsan bali Apat kasi kaming magpipinsan, Si Oliver ang pinaka matanda, siya ang may hawak sa Car field. Pangawala si Marcus, Sa Airline field. Pangatlo si Cedric, hindi ko pa alam kung papayag siya sa ibinibigay ni Lolo sa kanya sa isang field. Actually, hindi pa namin siya nakikita, hindi lumaki si Cedric sa mga Mccrae dahil itinago siya ng Daddy niya. Nalaman lang namin na may pinsan pa pala kami nung namatay ang Daddy niya, Panganay ang daddy niya at hiling nito na hanapin si Cedric at ibigay ang dapat na para sa kanya. Sa ngayon ay wala pa akong balita kay Cedric kung nahanap na ba siya ni Lolo. At pang-apat ay ako. Syempre ako pinaka gwapo sa lahat kaya ako dapat ang huli. • JESSICA POV • Pag labas ni Rylan ng kwarto ay agad akong nagpunta sa CR, gusto ko maligo, naiinitan ako! Isinabit ko muna ang blouse ko at skirt ko, tinanggal ko lahat ng suot ko at naligo ako. Pag tapos ko maligo ay isinuot ko ang panloob kong spaghetti na sando at nag cycling muna ko, nag blower ng buhok at nang medyo tuyo na ang buhok ko ay tsaka lumabas ako ng CR, binuksan ko ang mini ref at nakita na may mga laman pala ito, kinuha ko ang beer at nagpunta sa mini table sa gilid ng malaking bintana. "4:27pm na pala. Sabagay late na rin dumating yung ka meeting ni Rylan. Nang maubos ko na ang beer ay kumuha ulit ako. Nakaramdam ako ng hilo sa pangatlong beer kaya yumuko muna ako at ipinatong ang ulo ko sa mesa. • 3rd PERSON POV • "Alas-sais na ng hapon ng matapos ang meeting ni Rylan, agad itong umakyat sa kwarto nila ni Jessica ng makaalis na ang kausap nito. Pag pasok niya sa kwarto ay agad niyang nakita si Jessica na nakatulog na sa mesa kaya lumapit sa dito at nakita niya ang tatlong bote ng beer. "Nag-inom ka na naman? Hindi ka pa kumakain ng dinner," mahinang sabi nito dito habang kinuha ang isang beer can na hawak pa nito, Gigisingin niya sana ito para ayain kumain ng dinner pero hindi siya nito pinapansin dahil mahimbing ang tulog nito kaya hindi siya na gising man lang kahit anong yugyog nito sa balikat ni Jessica, pagod at puyat din kasi si Jessica kaya kahit anong gising ni Rylan ay hindi ito magising-gising. Sumuko na lang ito sa pag gising dito dahil nakita nito na mukhang pagod talaga ito. Nagtungo muna si Rylan sa telephone para sagutin agad ang tawag. "Yes, I check out when I want," sabi nito sa kabilang linya, agad din niyang ibinaba ang tawag at inayos muna ang kama para maihiga niya si Jessica, binuhat niya na ito at dahan-dahang inihihiga sa kama. Napansin niyang parang tinanggal nito ang damit niya dahil naka sando at cycling lang ito. Napadako ang mata niya sa dibdib nito na walang suot na bra, tila nag-init agad ang buong katawan nito sa magandang katawan na nakikita ni Rylan lalo na ang bakat nitong mga n****e. "Aaarrgghh! Jessica!" mahinang sabi nito at agad na pumasok sa CR tsaka naligo rin para mahimasmasan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD