• 3rd PERSON POV •
Lumabas nang naka-boxer si Rylan at kumuha rin ng beer sa ref tsaka nag tungo sa mini table. Sinara niya ang kurtina at pinatay ang ilaw ng mapansin niyang parang nasisilaw si Jessica sa mga ito. Tanging yung isang ilaw lang na malapit sa CR ang na ka bukas, tila nakaramdam ng antok si Rylan kaya tumabi na ito kay Jessica. Nakatalikod sa kanya ito kaya iniharap niya ito sa kanya at ipinatong ang mga braso niya sa ulo ni Jessica nang dahan-dahan para maging unan nito.
Pinagmasdan niya ang mahimbing na natutulog na si Jessica, hinawi pa nito ang ibang starp ng buhok nito na humahawi at tumatakip sa mukha nya. Unti-unting bumukas ang mata nito kaya ngumiti si Rylan dito.
"Good morning," sabi agad nito dito. Tatayo na sana agad ito nang pigilan siya ni Rylan.
"Wala akong gagawin sayo, Let's sleep for a while, na pagod ako sa meeting." malambing na sabi nito, tila na awa naman si Jessica dito kaya hinayaan niya na lang at pumikit na dahil inaantok pa rin ito. Nararamdaman niya na hinahawi ni Rylan ang mga buhok niya na tumatakip sa mukha niya at isinasabit sa tenga niya pero hinahayaan niya lang ito.
"I'm sorry kanina," sabi nito sabay haplos sa malambot at madulas nitong buhok, hindi naman umimik ang dalaga.
"Can I court you?" wala sa sariling sabi ni Rylan kay Jessica, hindi rin niya alam kung bakit ayon ang lumabas sa bibig niya. Napadilat na lang ng mga mata si Jessica sa narinig niya.
"Can I?" ulit nito ng hindi man lang ito sumagot sa tanong ni Rylan.
*Sigh* “It's Ok, I’m willing to wait," sabi na lang nito ng umiling-iling si Jessica na parang nagsasabi na ayaw niyang magpaligaw dito. Hindi rin naman masisisi ni Rylan ang dalaga dahil alam niya na mahal pa niya ang Ex-Fiancé niya, pero willing siyang maghintay dito kaya gagawin niya ang lahat pumayag lang ito magpaligaw. Tinitigan nito ang nakapikit na si Jessica.
"I think I like you. I think I’m starting to fall for you" Bulong nito sa isip nya. Hindi na niya maitatanggi na may kakaibang nararamdaman agad ito dito sa babaeng yakap-yakap niya kahit ilang beses pa lang niya itong nakita at nakasama.
"Can I kiss you?" biglang sabi nito, kaya na pa dilat ulit ng mga mata si Jessica at bago pa mag salita si Jessica ay hinalikan na siya agad ni Rylan, mahinahon at malumanay ang mga halik nito sa kanya.
Hindi pumalag ang dalaga sa mga halik nito kaya ipinikit ulit ni Jessica ang kanyang mga mata at nilasap ang mga halik ni Rylan, hinalikan din niya ito at nakipag sabayan dito. Nagtagal ang halikan ng dalawa. Nang huminto si Jessica sa pag halik ay huminto rin si Rylan tsaka sabay ngumiti rito at niyakap ito ng mahigpit.
"Let's sleep.” *Tsup* Mabilisan na halik nito sa labi niya.
"Kisser Monster" mahinang sabi ni Jessica kay Rylan. Napangiti naman si Rylan dahil ngayon lang niya ulit narinig ang boses nito, halatang bagong gising pa ito sa tono ng boses niya.
"Sayo lang," mabilisang sagot niya. Hindi na nagsalita ulit ito kaya sinilip niya ito. Nakapikit na ulit ang mga mata nito kaya napangiti na lang si Rylan habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng dalaga.
"Good night honey." Sabay ibinaon niya ang ulo ni Jessica sa pagitan ng leeg niya at dibdib niya tsaka ipinikit na rin ang mga mata para sabayan matulog si Jessica.
.
.
.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Jessica, napansin niya agad si Rylan na mahimbing pa rin ang tulog habang nakatalikod sa kanya. Nagbuntong hininga na lang ito ng maalala ang nangyari kagabi. Hinanap niya agad ang cellphone niya at nang makita niya ito sa mini table ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta dito para kunin ang phone niya. Napabuntong hininga na lang ito ng makita niya ang oras at ang mga missed called ng mama niya. Maging ang mga missed called mula kay Red pero hindi niya na lang ito pinansin kahit gusto niya itong tawagan pabalik, nakita niya rin ang mga text messages nito pero dahil nagmamadali ito ay inignore niya na lang muna ito.
“Lagot ako kay mama nito dahil 'di ako umuwi kagabi! Nagiging pasaway na anak kana talaga Jessica!” bulong nito sa sarili niya. Madali itong nagpunta sa CR para isuot ang mga damit niya. Inayos muna nito ang sarili niya bago lumabas. Nagbuntong hininga na lang ito ng tinignan niya si Rylan na mahimbing pa rin ang tulog.
Agad na siyang lumabas sa hotel room nila para makauwi sa bahay nila dahil ilang oras na lang ang kanyang natitira para makapasok sa trabaho niya. Paglabas niya ng hotel ay sumakay na ito sa taxi at nagpahatid sa bahay nila.
Pag pasok ni Jessica sa bahay nila ay nakahinga agad ito ng maluwag ng wala pa ang mga magulang niya sa dining table.
“Tulog pa siguro ang mga ‘yon,” mahinang sabi niya at madaling umakyat sa second floor at pumasok sa kwarto niya.
“Whooo! Buti na lang hindi nila ako nakita,” bigkas nito. Inilapag na nito ang shoulder bag niya at nagpunta sa sariling CR. Walang inaksayang oras si Jessica at naligo na agad ito. Nagbihis at nag-ayos sa kanyang sarili.
*Tok tok tok* “Jess, anak, gising na, mala-late kana,” bigkas ng mama nito mula sa labas ng kwarto niya. Agad na binuksan ni Jessica ito.
“Kain na.” Ngumiti si Jessica sa kanyang ina at sumunod dito para magpunta sa kanilang kainan.
“Good morning,” sabi nito nang makita niya ang papa niya na kumakain na.
“Kamusta ang bago mong trabaho?” tanong agad ng papa niya sa kanya.
“Ayos naman po papa,” sagot niya sabay kumuha ng kakainin niya. Napansin nito na tahimik lang ang mama niya na nakatingin sa bakanteng upuan.
“Bakit hindi mo siya puntahan sa bahay nila?” biglang sabi ni Jessica sa kanyang ina. Napatingin sa kanya ito.
“Bakit ko naman pupuntahan ‘yon? Pinalayas ko na nga ‘di ba?!” depensa ng mama nito.
“Hindi mo rin matitiis ‘yon Janet. Anak mo pa rin si Ziane,” sabat ng papa nito habang patuloy pa rin sa pagkain.
“Hindi ko siya anak! Wala akong anak na ahas! Wala siyang utang na loob sa ate niya at sa atin! Kung hindi dahil sa pagpilit ni Jessica na kupkupin siya noon hindi dapat siya mapupunta sa atin!” galit na sabi nito.
“Ma, kalma. Highblood ka na naman,” awat ni Jessica sa kanyang ina na kunwari’y hindi nasaktan sa sinabi nito.
“Tapos na! Nangyari na, wala na tayong magagawa kasal na sila ni Red,” sagot ng papa nito.
“Nagkakaganyan ka kasi namimiss mo si Ziane.”
“Bakit ko mamimiss yung taong ‘yon? Walang utang na loob! Matapos kong bihisan, pakainin at bigyan ng matitirahan tapos ganito lang ang isusukli sa atin! Hindi ko alam na mayroon pa lang itinatagong masamang ugali yong batang iyon! Baka ikaw ang nakakamiss doon at ipinipilit mo lang ako!”
“Paano kung bumalik siya dito?” Hindi alam ni Jessica ang gagawin niya kaya nagbingi-bingihan na lang ito sa mga naririnig at kumain na lang.
“Wala na siyang babalikan dito!”
“Hahaha. Hindi mo matitiis si Ziane. Kilalang-kilala kita Janet, hindi mo kayang hindian ang batang ‘yon!” asar ng papa nito sa mama niya.
“Kumain kana nga diyan.”
“Alis na ko ma, pa,” sabat ni Jessica tsaka tumayo na. Napahinto naman ang mga magulang niya sa pagbabangayan habang nakatingin sa anak nila.
“Ikaw kasi e!” Sabay siko ng mama nito sa tagiliran ng poa nitong si Felix.
“Anong ako!?! Ikaw nag-umpisa! Sinabi ko nang wag munang babangitin si Ziane sa harap ng anak mo!”
“Ma, pa. Ok lang ako, mala-late na kasi ako,” sabi nito. Tumayo ang mama nito para yakapin ang anak.
“O, sige na. pumasok kana, baka ma late ka pa nakakahiya naman sa boss mo, sabihin non kabago-bago mo pa lang late kana agad,” sabi ng mama nito at sinamahan si Jessica palabas.
“Bye pa,” paalam nito sa papa niya na nakangiti pa habang nakatingin sa kanila.
“Bye nak. Mag-ingat ka,” baling nito sa anak.
“Yeah, sa lingo nga pala lilipat na ko sa condo ha,” sabi ni Jessica dito. Tumayo ang papa niya para sundan ang dalawa.
“Sigurado kana ba na lilipat ka talaga?” tanong ng papa niya
“Opo pa, kailangan e, tsaka malapit lang yong nakita kong condo rent sa trabaho ko, pag wala akong pasok uuwi naman ako dito.” Niyakap ni Jessica ang papa niya para lambingin ito.
“Ano pa nga ba ang magagawa namin. Malaki kana rin naman, ikaw na ang magdidesisyon sa buhay mo. Nandito lang kami ng mama po para payuhan ka,” sabi ng papa niya tsaka niyakap rin ang anak.
“Hhhmmmm… Ang sweet naman,” pang-asar nito tsaka kumalas sa yakap nito.
“Basta kasama kami kapag naglipat ka Ok?!”
“Yup, o siya! Ako’y aalis na at late na talaga ako.” Madali na itong lumabas ng bahay nila para pumasok sa trabaho. Paglabas nito ay napansin niya ang kotse ni Red na naka-park sa malapit sa bahay nila.
“Nandito ka na naman, paano ako makakamove-on sayo kung parati na lang kita nakikita.
Halos araw-araw niya itong nakikita lalo na no’ng nag resign na siya sa company ng ex-fiance niya. Bukod kasi sa malayo ang bahay niya sa bagong trabaho niya ay isa rin ito sa dahilan kung bakit napilitan itong mag rent ng sariling condo. Habang naglalakad si Jessica ay dahan-dahan na sumusunod sa kanya ang sasakyan ni Red.
“Kahit magtago ka pa alam kong ikaw ‘yan Red.” Bulong nito sa isip. Nang makarating na si Jessica sa labasan ng bahay nila ay nagpara agad ito ng taxi at madaling sumakay dito. Napabuga na lang ito ng hangin ng makaupo na siya sa loob ng taxi.
“Saan po tayo ma’am?”
“Sa McCrae Trading Company po, sa makati po,” sagot nito sa driver. Sinilip niya ang likod niya para tignan kong nakasunod pa rin si Red sa kanya. Mediyo kinabahan siya na baka malaman nito kung saan siya nagtatrabaho.
“Magpinsan pa naman sila.” Agad na lumapit si Jessica sa driver.
“Kuya, nakikita mo ba ‘yong black gray na kotse? Yung nakasunod sa atin?”
“Opo.”
“Iligaw mo kuya para hindi niya malaman ang pupuntahan ko,” sabi nito. Kumunot naman ang noo ng taxi driver sa sinabi nito.
“Bakit po? sinusundan ba kayo? Gusto niyo po bang i-report natin sa mga police?” concern na sabi nito.