Pagpasok sa powder room ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at mabilis na tinipa ang number ni Amelia. “Tita, asan kayo? Ang mga bata?” agad niyang tanong. “Wag ka nang mag-alala, pauwi na kami. Kasama namin si Brylle. Babalikan ka niya mamaya," sagot nito na tila alam na ang gusto niyang iparating at hininaan ang huling sinabi na alam niyang iniwasang marinig ng kambal. Napahinga siya nang malalim pagkatapos ay nagtaka nang maalala ang sinabi nito. “Si Brylle, dumating siya?” Hindi niya inaasahan na tinotoo ni Brylle na babalik siya para um-attend ng show. Alam niyang marami itong ginagawa at masyadong demanding sa oras ang negosyo nito pero pinilit pa rin na makarating para suportahan siya. Napangiwi siya at lihim na nagpasalamat. Dahil kung hindi ito dumating ay hindi niya