Naging abala ang dalawa sa pag-aasikaso para sa nalalapit na kasal. Dale made sure he knew every detail of the preparations. Pagkatapos sa maghapong trabaho at kabi-kabilang business meetings ay sinisigurado niya na hindi siya nawawalan ng oras para sa preparasyon ng kasal lalo na para kay Alison. “Sir, nagre-request si Mr. Miller ng adjustment for video conference. May sudden changes daw sa itenerary niya so he can’t possibly attend on the scheduled time,” ani Joe ang assistant ni Dale habang inaayos nito ang mga gamit ng Boss. Palabas na sana siya ng conference room pagkatapos ng board meeting. “Ok, when does he prefer? It should be immediate.” “Actually, it will be this afternoon.” “What?” naiinis na tanong niya. “Wala ba siyang ibang available time other than that?” May usapan sila