Nagising si Alison sa malakas na pag-ring ng cellphone niya. Alas-dies pa lang ng umaga ay napa-idlip na naman siya, nakalimutan din niya na may usapan sila ni Dale na pupunta sa isang wedding shop para mamili ng gown na isusuot niya sa nalalapit na kasal. Kung si Dale lang ang masusunod ay mas gusto nito na ang couturier mismo ang pumunta sa bahay nila para mas kumportable raw siya dahil nag-alala ito sa morning sickness niya. Pero hindi siya pumayag dahil pakiramdam niya ay mabilis lolobo ang katawan niya kung mananatili lang siya sa loob ng bahay at walang gagawin kundi ang matulog at kumain. Hiniling din kasi nito na i-cancel ang employment niya sa Manila Hotel na dapat sana ay pareho na sila ni Lara na nagta-trabaho ngayon dito. Na maluwag naman niyang pinaunlakan dahil hindi rin