Halos mainis ako kanina nang maramdaman ko na may tumititig sa akin at hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang isang lalaki na kulang na lang ata ay kainin ako dahil sa pagtitig niyang ginagawa sa akin. At mas lalo pa akong nainis nang makilala ko ang lalaki na siyang palagi kong nakakabunggo rito sa Singapore. Kaya naman nagdesisyon na akong umalis agad sa East Coast Park kanina at bumalik na lang ako sa hotel na tinutuluyan ko rito sa Singapore. Habang nakahiga ako sa kama ay bigla akong napabalikwas nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Art. "Art," tanging lumabas sa labi ko. Tumingin sa akin si Art at ngumiti. "Hindi kasi kita matiis, eh! Kaya bumalik ako," wika niya at pagkatapos ay ibinaba niya ang kanyang bag at mabilis na lumapit sa akin. Hindi ko napigilang tumulo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books