CHAPTER 19 - ADRIAN'S POV

1043 Words

'Paano nga kaya kung ang babaeng ilang beses ko nang nakabunggo dito sa Singapore ay ang babaeng nakita ko noon na bukod tanging nakapagpatibok sa aking natutulog na puso,' agam-agam na naglalaro ngayon sa aking isipan. Ipinislig ko ang aking ulo dahil sa kung ano-anong pumapasok sa aking isip na ni sa panaginip ay imposible na muli kaming mag-krus ng landas ng magandang dilag na nakita ko noon. Sa halip na mag-isip nang kung ano ay nagdesisyon ako na muling kumuha ng is paang lata ng beer, upang`ipagpatuloy ko ang aking pag-iinom. "Ano, Pareng Adrian, kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Kenneth na mabilis kong tinanguan. "Oo naman," mabilis kong tugon sa aking kaibigan at pagkatapos ay ininom ko ang beer na hawak ko. Habang lumilipas ang oras ay siya namang dami na rin nang naiinom nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD