CHAPTER 17: FROM HERE IS A SECRET

988 Words
CHAPTER 17: FROM HERE IS A SECRET “Oh, you're finally moving out, Stan? Should I help you pack your things?” sarkastikong tanong ni Yoshiko ngunit agad din niyang pinagsisihan ang sinabi matapos tumama sa kanyang ulo ang kamay ng kanyang amang kapapasok lang din. “Your mouth,” banta ng kanyang ama, “Don't act like we've forgotten what you did last night.” “Tito, ayos lang p—” “No milk for you, I bought this for Stan,” dagdag ng kanyang ina at inagaw sa kamay ng anak ang bote ng gatas na kinuha niya sa refrigator. “Sorry,” tanging lumabas sa kanyang bibig at madaling pumasok sa bathroom, naligo, umakyat sa kanyang silid, lumabas at marahas na sinarado ang pinto at tuluyang umalis para pumasok sa school. Tila ba pasan ni Yoshiko ang buong mundo nang makapasok siya sa kanilang silid, dahilan upang ang mga mata ng kanilang kamag-aral ay mapukol sa kanya. Hindi naman popular si Yoshiko, bilang lang sa daliri ang kaibigan niya, at kalahati pa noon ay dahil kay Stan — the ikemen. “Yoshi, nasaan si Stan?” “Totoo bang nag-away kayo ni Stan?” “Bakit mo sinu—!?” Biglang tumahimik ang lahat nang hampasin ni Yoshiko ang kanyang armrest at makalas ito sa armchair. Inis na tumayo siya at kumuha ng bagong upuan at tinambak sa likuran ang nasirang armchair. Lahat ng mga mata ay nakasunod sa kanya hanggang sa makaupo siya sa panibagong silya at hiniling na lang na lamunin siya ng lupa. Hanggang sa tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng klase ay tahimik na nakayuko lamang si Yoshiko. Binabasa ang mga nakasulat sa armchair na lalo lang nagbabaon sa kanyang utak na si Stanley ay talagang ikemen. “Good morning, class!” bati ng kanilang guro sa first period. Wala pa rin si Stanley, ngunit hindi rin iyon nagtagal. Dumating ang third period at bumukas ang pinto't pumasok ang kanilang guro sa Statistics and Probability, kasunod niya si Stanley. May band-aid sa ilong na may desinyo pa ng Hello Kitty. Malawak ang ngiti niya at kumaway-kaway pa sa klase ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi nang mapako ang tingin niya sa kaibigan na hindi man lang nag-angat ng tingin. Nang tumapat siya sa harapan ni Yoshiko ay bumuntonghininga ito at ngumiti. Pinatong niya sa armrest ni Yoshiko at isang bote ng milk shake, isang bar ng dark chocolate, at ang paborito nitong gummy worms. Bahagya siyang yumuko rito at bumulong, “I am terribly sorry for what I said last night, siguro dahil sa lokong libero na 'yon, I phrased it wrongly, it was so mean calling someone a slut, but it was so wrong punching someone and even if you apologize for punching me, I won't accept, not until I get back to you.” He chuckled which made Yoshiko stretched a smile and hurriedly grabbed the offerings and slid it in his bag. Mabilis lumipas ang oras at nagkagulo na ang klase matapos tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase. Agad hinila ni Stanley si Yoshiko patayo at halos kaladkarin na ito pababa ng hagdanan. Dumiretso sila sa gymnasium para sa kanilang after class practice. Nang makapasok sila sa loob ay tanging mga ilang mga basketball player na lang na nililinis ang kanilang mga kinalat na bola. Agad na binitiwan ni Stanley si Yoshiko at agad pinaikot-ikot ang kanang kamay at sinuntok-suntok pa ang hangin. Tinantiya niya ang distansya mula kay Yoshiko at nilipat ang kanyang center of gravity sa kanyang lower body and the moment he step in, he turn his waist in and twisted his shoulder in and hit him! “And we're quits!” sigaw ni Stanley at agad tinago sa likuran ang dumurugo niyang kamao. Tumilapon si Yoshiko at tuluyang napaupo sa sahig, natatawang pinahid niya ang dumurugong ilong na muntikan pang tumabingi sa lakas ng suntok ni Stanley. “Stan, balak mo bang tanggalin ang ilong ko? Who would've thought you could punch like that? Why don't you try boxing?” natatawang wika ni Yoshiko at inabot ang kamay ni Stanley para tumayo, “So, bati na tayo?” “Boxing? No way, ayokong masira ang mukha ko, 'no, just looked at your face, one punched, and you looked like that? Anyway, bati na tayo, okay? Hindi ko rin matitiis na umalis sa bahay niyo na hindi kita pinapatawad e, so, here,” sambit ni Stanley at inabutan ng tissue si Yoshiko na galing sa kadarating lang na si Captain Scien. “How does that make you guys quits? Stanley was punched for insulting your girl Megumi, so why did you let him punched you?” natatawang tanong niya, “You guys are weird.” “Eh? Weird?” takhang tanong ni Yoshiko habang si Stanley ay hindi na napigilan ang tawa. “But that doesn't make what I saw invalid, you know. Kilalanin mo munang mabuti 'yang si Megumi bago ka bumigay, after all you chose her over me,” nakangising paalala ni Stanley dahilan upang masamid si Captain Scien at agad na batukan si Stanley. “You're like a brother to me, no way you're getting replace, you know,” nakangusong sagot ni Yoshiko at agad tumakbo sa team na abala sa pagtatayo na ng net. Naiwan sina Stanley at Captain Scien na nakangiting pinanonood ang team hanggang sa si Captain Scien ang bumasag ng katahimikan at nilingon si Stanley. “Why didn't you tell him?” Pagak na tumawa si Stanley at bumaling sa kanya, “Do you think I'll have a chance against his brotherly love to me?” “You're a coward.” Agad sinipa ni Stanley si Captain Scien, “Wow, coming from you, huh?” “So, from here, it's a secret? Ha, akala ko pa naman magiging best wingman na ako, hindi rin pala.” “Wingman? Ew.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD