CHAPTER 16: MILK
Pasado alas nuebe nang bumukas ang pinto sa Alvarez Household at inuwala nito si Yoshiko. Abala noon ang kanyang ina sa pagtitiklop ng mga damit nang marahas na isarado ni Yoshiko ang pinto.
“Yoshiko? Good work for today. Kumain na ba kayo ni Stan?”
Habol ng tingin nito ang anak, bumukas bibig nito nang dumaan si Yoshiko sa harapan niya ngunit agad nangunot ang kanyang noo nang lagpasan lamang siya nito at dere-deretsong umakyat sa hagdanan.
“Where's Stanley?!” malakas na tanong niya nang makitang wala si Stanley ngunit tanging pagsarado lang ng pinto mula sa second floor ang narinig niya.
Iiling-iling na tumayo siya at iniwan ang tiklupin upang bulabugin ang anak na si Yoshiko — she knocked the door, with so much urgency that her husband coming out from the bathroom rushed in.
“Yoshiko! Nasaan si Stanley?! What happened? Nag-away ba kayo?! Yoshiko!”
“Calm down, love. Baka naman may pinuntahan lang si Stan—”
“At this hour?”
“Hindi na bata ang mga 'yan, at kilala mo naman si Stanley, hilahin 'yan ng barkada, maybe he's hanging out with, uh, his girlfriend?” pabirong wika ng tatay ni Yoshiko dahil upang kurutin siya ng asawa.
“Yoshiko!”
She was interrupted when the front door creaked open, Stanley came in.
“I'm home.”
Mabilis na tumakbo pababa ang ina ni Yoshiko kasunod ang kanyang asawa.
“Stanley! Where have you been...” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang mapukol ang atensyon niya sa mukha ni Stanley.
There is a cut on his nose, and remnants of dried blood under his lips.
Lumapit siya kay Stanley at hinawakan ang baba nito upang sipatin ang sugat, she heaved a sigh.
“Oh my god, did Yoshiko do that? Yoshiko! Lumabas ka rito at kakausapin lang kita nang sobrang maahina—”
“Ah, tita. Sorry po, pero pwede po bang bukas na lang po tayo mag-usap?” mahinahong tanong ni Stanley at pilit na ngumiti, “Magandang gabi po,” dagdag nito at nilagpasan ang mag-asawa't umakyat na sa kanyang silid, katabi lang ng kuwarto ni Yoshiko.
Naiwan ang mag-asawang nakatingin sa isa't isa, tila nagtatanong kung ano bang nangyari, 'saka parehong bumuntonghininga.
Lumipas ang buong gabi sa kapayapaan. Sa unang tilaok ng manok ng kapitbahay ay gising na si Mrs. Alvarez at humihigop na ng kape.
Nang mangalahati ang kape ay tumayo na siya at nagsimula ng maghanda para sa kanilang almusal. Ito ang araw-araw niyang gawain bilang isang mabuting ina.
“Oh, Stan, maaga ka yata,” usal ni Mrs. Alvarez nang makitang pababa si Stanley, kinukusot-kusot pa ang mga mata, at nang makita niya ang ginang ay ngumiti ito.
“Good morning po, tita,” bati niya bago dumiretso sa comfort room.
“Hm, anong gusto mong luto sa itlog mo, Stan?” tanong ng ginang matapos lumabas si Stanley, tumutulo pa ang dulo ng kanyang buhok.
“Ah, scramble po, pwede pong lagyan ng mayo?”
“Sure, sure, will you help me?”
Ngumiti si Stanley at tumango.
Matapos ang halos kalahating oras na paghahanda para sa kanilang almusal ay hinuhugasan na ni Mrs. Alvarez ang mga pinaglutuan. Si Stanley naman ay umiinom ng gatas habang pinapanood ang ginang.
Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga at binaba sa mesa ang baso ng gatas.
“Tita, aalis na po ako rito,” panimula ni Stanley dahilan upang mabitawan ng ginang ang mga kubyertos at halos hindi maipinta ang mukhang nilingon si Stanley.
“Huh? Why? Did it have to do with Yoshiko? I knew it! Inaway ka ba niya? Gusto mo ako na ang gumanti para sa 'yo? You don't have to leave this home, Stan!”
Natatawang pinigilan ni Stanley ang ginang nang kunin nito ang malaking kahoy na sandok na nakasabit sa kanilang dingding.
“Tita, wala pong kinalaman si Yoshiko dito,” paglilinaw niya, “Matagal na pong plano ni Ate Stell ito, dahil malapit na po siyang grumaduate ng college at may company na pong kukuha sa kanya, she told me that we should live together now. Doon na po ako sa kanya, sa apartment. Malaki na po ang tinulong niyo sa aming dalawa, sapat na po iyon. Malapit na ring pumasok si Yoshiko sa college, sa tingin ko oras na rin po para tumayo na po kami sa sarili naming mga paa.”
“What are you saying? Stan, we are family, hindi kayo naging burden sa amin. Ayokong umalis kayo sa pangangalaga namin, pero kung iyan ang desisyon niyong magkapatid ay wala na akong magagawa, basta, kapag may problema, may kailangan kayo, nandito lang kami, ha? Stan, pero bakit kasi! I thought you and Yoshiko is inseparable? Why?”
Napangiti si Stanley, “Tita, thank you.”
Mrs. Alvarez, with tears overflowing streched her arms to hug Stanley. She caressed his back like a mother would to her son.
“I still remember when threw a tantrum just to stay with us, you kids are inseparable,” she cried.
Stanley chuckled.
“Yeah. Honestly, it was a blessing, just imagine, if we were sent to our relatives, they would've sent us in the orphanage a year. So, thank you po, for taking care of me, and Ate Stell,” wika ni Stanley at kumalas sa pagkakayakap sa ginang.
Sa 'di kalayuan, matamang nakatayo si Yoshiko sa likod ng pintuan ng kusina. Hindi niya nagawang pumasok nang marinig ang usapan ng kanyang ina at ni Stanley.
Aalis na si Stan?
Tanong na ilang beses gumihit sa kanyang sistema. Muling namutawi sa kanyang alaala ang kanilang kabataan. Hindi niya namalayan ang pangingilid ng kanyang luha kaya dagli siyang umayos nang tayo at pilit pinagsalubong ang kilay, pinalaki ang butas ng ilong, at nanlilisik ang mga matang pumasok sa kusina.
“Oh, you're finally moving out, Stan? Should I help you pack your things?” sarkastikong tanong ni Yoshiko ngunit agad din niyang pinagsisihan ang sinabi matapos tumama sa kanyang ulo ang kamay ng kanyang amang kapapasok lang din.
“Your mouth,” banta ng kanyang ama, “Don't act like we've forgotten what you did last night.”
“Tito, ayos lang p—”
“No milk for you, I bought this for Stan,” dagdag ng kanyang ina at inagaw sa kamay ng anak ang bote ng gatas na kinuha niya sa refrigator.
“Sorry,” tanging lumabas sa kanyang bibig at madaling pumasok sa bathroom, naligo, umakyat sa kanyang silid, lumabas at marahas na sinarado ang pinto at tuluyang umalis para pumasok sa school.