"Napasarap ata ang tulog ko," pagkamulat ko ng mga mata at saka ako umunat. Pagkatapos ko iabot kay Carmela ang formal letter ng leave ko ay nag-message ako kay Chandrei. Sinabi ko sa kanya kung what time kami magkikita ni Philip. Sinabi ko rin sa kanya na magkita na lang kami sa ibang lugar pero hindi siya pumayag kaya ang ending ay siya pa rin ang nasunod. Pagkalabas ko sa work kahapon ay dumiretso na ako sa bahay para mag-empake ng mga dadalhin ko. Sa biyahe pa lang pauwi ay binubuo ko na ang kwento na sasabihin ko kay Papa. Pagdating ko sa bahay ay wala siya doon kaya pumunta ako sa bahay ni Tita Minerva. Naabutan ko si Papa nanonood at nagulat siya dahil ang aga ko umuwi. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat at naintindihan naman niya. Hindi siya nagtanong pa o inalam ang buong detalye