"Hoy Devonne Mae Garcia!" sigaw ni Carmela. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang hawak ko na mga hanger. Napatingin ako sa kanya at pinanlakihan niya ako ng mga mata. Hindi ko namalayan nakatulala pala ako at hindi ko alam kung gaano katagal ako sa ganun na estado. Nasa stock room kami sa third floor ng building. Ngayon ang schedule namin para ayusin ang mga item na kasama sa magaganap na three days sale by next week. Yearly ay ginagawa namin iyon para magbawas ng mga item na sobrang dami pati na rin ang mga old stock. "Ano ba ang nangyayari sa iyo, Debbie? Kanina ka pa ganyan parang wala sa sarili at sobrang lalim ng iniisip mo. Kanina pa rin ako nagtatanong kung okay ka lang ba ba pero puro tungo lang ang sagot mo sa akin," sabi niya at sinimulan ko na damputin ang mga hanger. "Mag