"Ready ka na ba ipakilala si Devonne sa buong angkan? Ready na ba siya?" tanong ni Archie habang nagbabasa ako ng report. Isang linggo na lang at ika-seventy birthday ni Lola Corazon. Binanggit ko agad iyon kay Devonne para hindi siya magulat at mapaghandaan din niya ang okasyon na iyon. Mahalaga sa akin na makumbinsi ko si Lola na may relasyon na kami ni Devonne. Nakarating kasi sa akin ang balita tungkol sa pag-uusap ni Lola at ni Melissa. Nagiging madalas na rin ang pag-uusap ng dalawa at pagkikita sa ibang bansa. Nararamdaman ko na may plano si Lola sa birthday niya pero hindi ako makakapayag. Sigurado ako na may kinalaman si Melissa sa mga plano no Lola. Naniniwala ako na magugustuhan naman ni Lola si Devonne dahil sa nakikita ko na mga ugali niya. Sa ilang linggo na pagkikita at pag