Chapter 25

1317 Words

Hanggang sa makabalik siya ng opisina niya ay si Tiffany pa rin ang laman ng kanyang isip. Mahal na mahal niya ito at hindi siya papayag na masira ang tingin nito sa kanya ng dahil lamang kay Dennise. Naroon na siya sa punto na wala silang relasyon. Pero nararamdaman niyang nagiging open na si Tiffany sa kanya kaya hindi siya papayag na hindi nito ganap na maintindihan ang nasaksihan. Ilang beses niya itong tinangkang tawagan pero hindi nito sinagot ni isa man sa mga iyon. Sigurado siya, iniiwasan na siya nito. Nagtipa siya ng text messages pero maging iyon ay wala ring sagot siyang nakuha.  ARNIE: Tiffany, please, mag-usap tayo. Huwag mo akong iwasan pakiusap.  Wala kaming relasyon ni Dennise. Please, maniwala ka sana sa akin.  Hindi ko kayang ganyan ka sa akin. Mahal na mahal kita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD