Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Bernice na may hawak-hawak na Pina Colada Ice Pops sa kanyang mga kamay. "Here, for you. Ang tagal mo sa taas ha." Inabot ko iyong popsicle na bigay niya at nagpasalamat muna bago ko sinagot ang kanyang tanong. "Nag-bathroom ako." she nods at inaya na ako sa isa sa mga shades. Dumami na ang mga bisita ko at panay ang pasalamat ko kabila't kanan habang naglalakad. Mukha namang nag-eenjoy ang lahat. Ang pool ay halos napuno na nila. Ang lakas ng tawanan at harutan ng mga kaklase ko. Napailing ako at ngumiti pa rin. Pagkaupo ko sa shades ay namataan ko si Ian na nasa pinakadulong shades at pinalilibutan ng mga kakilala kong babae. I've seen Laviña grinning from ear to ear as she talks with him. Bakit andito pa ang lalakeng yan? I knew he