SEVEN: You're Not

2863 Words
     "What's your plan anak?" tanong sa akin ni Mommy isang umaga habang nasa poolside kami sa likod ng aming bahay.   "Tayo tayo lang Mom, as usual. Alam mo na namang ayoko ng may ibang tao eh."   "How about your classmates? Don't tell me, wala ka pa ring kasundo until now. You'll be in your fourth year in high school this coming June anak."   Wala akong maisagot kay Mommy. Nakapangalumbaba ako sa round table habang tinitignan si Daddy na lumalangoy sa aming infinity pool.   Friends? I have friends of course. Uhm. Mga wala pa atang sampu sila sa bilang ko. Well, I know every one of them pero yung masasabi kong malalapit na kaibigan ay wala talaga, maliban kay Cedric and Bernice.   I'll be sixteen years old in the next couple of days. Hindi ko man lang namalayan ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang dumating kami dito three years ago. And my life in those three years was far from being easy. I had been struggling from adjustments to the things I wasn’t get used to but now masasabi kong kampante na ako and I think I can get along pretty well.   "I've asked your Ninang about your birthday. Kung mag out of the town na lang ba tayo or what. Ang kuya Ian mo naman ay baka hindi makarating sa birthday mo. Nasa Palawan pa daw ata sa mga oras na iyan."   Pagkabanggit ni Mommy sa pangalan ni kuya, ay literal na umikot ang mata ko. Nagtatampo pa ako sa lalakeng iyon. Ang dami na niyang namiss na okasyon at laging wala itong oras para doon. Katulad na lamang nitong nakaraang Pebrero. I was about to attend our Prom and I asked him to be my escort pero ang syeste, hindi sumipot. Kaya nagkulong na lamang ako sa aking kwarto. I hate events like that pero napapayag ako ni Mommy na mag-join basta ang paki-usap ko ay si kuya ang makakasama ko sa okasyong iyon.   But then, everything turned into a disaster. Naipit si kuya sa traffic pauwi from his affair. Kaya ayon, late na siya ng dalawang oras kaya hindi na lamang kami umattend. Nagkulong lang ako sa kwarto at kahit anong paki-usap ni kuya sa labas ng pinto, kahit namaga na ang kamay niya sa kakakatok ay hindi ko siya pinagbuksan.   Akala nila masama ang loob ko dahil hindi ako nakadalo sa prom, pero ang totoong rason ay masama ang loob ko dahil sa lagi na akong binabalewala ni kuya. Hindi na ako ganoon ka-importante sa kanya. Infact, muntik na nga niyang makalimutan ang prom eh kung hindi ko lang talaga pinaalala sa kanya.   Mula ata ng magka-girlfriend ito, unti-unti ng lumalayo sa akin si kuya. Napapansin ko iyon. I never have the chance to meet her girl. Duh. As if I'm that interested. I'm just intrigued by the thought of it. Or perhaps thrilled.   "Don't count on him, Mom. He'll decline the invitation for sure. I'm the least in his priorities now." Ngumuso ako. Pinaglaruan ko ang straw ng aking orange juice.   Mommy laughed at my sentiment. "He's just busy with his work hija. Alam mo naman kung gaano ka dedicated iyon pagdating sa trabaho. Tsaka ngayon lang yun bumabawi dahil patapos na ang klase. Maluwag na ang kanyang schedules at may sapat na oras na siya para sa kanyang career."   "Whatever Mom."   Tumikhim si Mom. "Don't tell me nagtatampo ka pa rin sa nangyari last month? Hindi sinasadya ng kuya mo iyon."   "Wala na iyon Mom. We're okay naman na." Sumulyap ako kay Mommy na nakangiti sa akin ng nakakaloko.   Humalakhak pa ito. "Poor Ian. Katakot-takot na pagsuyo ang ginawa niya sa'yo. But you have to understand that he has other things to deal with. You know how demanding his work is. Give the man a break, anak." She inhaled. "Anyway, maiba tayo. Sixteen ka na. Do you have any plans to change yourself a little bit?"   "Change myself Mom?" Napatingin pa ako sa sarili ko. What’s wrong from being me?   "I mean your sense of fashion, sweetie. You're too boyish anak. Napagkakamalan ka nilang tomboy dahil sa pananamit at kilos mo. You're a girl. And anytime soon, you'll become a refined lady. Gusto ko sana magpakababae ka na nang tuluyan. Yang buhok mo lang talaga ang nagde-define sa'yo na babae ka. Kung pina-boy cut mo yan, lalake ka na talaga."   Magsasalita na sana ako when Dad appeared from the back. Nakatowel na ito at umupo sa tabi ni Mommy. Oh. Thank god. Dad will save me from this issue.   "Mom, I'm comfortable with what I'm wearing. I'm fine with this. Okay lang naman di ba Dad?"   Dad shrugged his shoulders at napangisi ako. I knew it. Dad always agree with me.   "I guess your Mom is right, Hija. You're not a little girl anymore. Look at you, very tall for your age and very pretty. Boys are intimidated towards you. You look superior to them. Paano ka makakahanap ng manliligaw niyan?"   Napalis agad ang ngisi sa aking mga labi. "Dad! I'm not looking for suitors! I'm too young for that!"   "You don't have to raise your voice on us Dianarah Elena Joy." There's a warning in Mom's voice.   "I'm sorry. But Mom, I'll be sixteen. Just sixteen. Nagmamadali kayo?" Nilakipan ko ng pabiro ang tono ko but deep inside I'm so annoyed now.   "No anak. We are just worried. We want you to have your own family in the future. We're not here with you forever. If you know what I mean." Dad answered.   Goodness. I sighed. "We'll get there, Dad. But not now. Let me enjoy myself for now. God, I'm very young so just chill guys, will you? Stop pressuring me, Mom."   "Okay. Balik tayo sa birthday mo. How about pool party? Dito mismo sa bahay natin anak. Invite all your classmates. Mag out of town na lang tayo sa summer." Ani ni Mommy na tila nagliwanag ang mukha sa nabuong suhistiyon.   Kumuha ako ng biscuit sa bowl at sumubo. Pool party? Pwede rin. Tamang tama by that time tapos na ang final exam namin. "Pag-iisipan ko muna Mom. Anyway, ilang araw pa naman bago ang birthday ko."   Nagtinginan sila Mom at Dad sa isa’t isa at halos sabay na nagkibit-balikat.   It's Sunday pero may mga projects akong ginagawa. It's a group project para sa aming Chemistry at ito ang magiging final exam namin. Kaya nararapat lang talaga na aming pagbubutihan. Para itong thesis na kailangan naming idefend sa buong klase.   Sunod-sunod na busina ng sasakyan ang naririnig ko pagkahapon niyon. Andito kasi ako sa terrace at gumagawa ng mga notes para sa topic namin. Mukhang ang mga kaklase ko na iyon.   We planned to make the project in our house. At nagkasundo silang sabay-sabay ng pupunta dito.   "Your classmates have arrived, anak." salubong ni Mommy sa akin sa main door. Nakita kong umibis mula sa sasakyan sila, Bernice, Cameron, Jane and Cedric.   "Hi." halos sabay na bati namin sa isa't isa. They also pay respect to my mom who's standing beside me.   "Pasok na tayo." Aya ko sa kanila.   "Ba yan Elena. Ang init init ng panahon nakapajama ka pa rin." Palatak ni Cameron sa likuran ko. These girls are so kikay. Kung anong trending na fashion, they follow. I looked at them gingerly at pagkatapos ay inirapan ko ito. They're wearing miniskirts and body-hugging top. Halos pare-pareho ng suot maliban na lamang kay Bernice na naka-shorts, but then it's still too short. Duuh.   "I've never seen her wearing shorts too." Jane commented.   "Ang dami nyong dada girls. Hayaan nyo siya. And besides, she's for my eyes only. Di ba Elena?" Inakbayan ako ni Cedric at umirap lang ako sa kanya. Si mommy naman ay bumungisngis lamang sa aming tabi. Sanay na rin kasi ito sa pagiging maangas at mahangin nitong si Cedric.   Itinaas ko ang kamao ko malapit sa kanyang mukha. "Ito rin, for your face only." Pagtataray ko.   "Sus. Kiligin ka naman minsan Elena. Nauubusan na ako ng mga banat eh." Ginulo ni Cedric ang kanyang buhok at bumuntong-hininga.   "Ewan ko sa'yo. Pampakilig na ba mga iyon? Puro kaya pang-iinis ginagawa mo." Hinayaan ko lamang siyang akbayan ako habang naglalakad kami papuntang library. Mas mainam mag-aral kasi doon.   "Wala kang chance Cedric." natatawang wika ni Bernice.   "Habang may buhay, may pag-asa. Yan ang motto ko na ngayon." He grinned.   "Oo na lang." The girls answer in unison samantalang ako ay napapailing na lamang.   Binuhos namin ang buong oras sa pagre-research. Gumawa din kami ng outline tungkol sa aming topic. Ang kulang na lang ay pagkalap ng mga materials for experimentation. Pag nagsuccess ito, ibig sabihin tama ang formulang ginamit namin.   Dito na sila nagdinner dahil na rin sa pangungumbinsi ni Mommy. Tinawagan pa nito ang mga magulang ng mga kaibigan ko para magpaalam na dito sila kakain.   After we had dinner, tumambay muna kami sa aming pool area. They like our pool dahil sa hugis infinity nito at sa magarang lagoon sa gilid.   "Elena may nagpapatanong pala tungkol sa'yo." ang sabi ni Cameron.   "Eh? Sino?"   Nagpahid muna ito ng tissue sa bibig bago sumagot. "Taga Gumamela. Si Jared. Nagtatanong kung tibo ka daw ba?" She laughed at nakitawa rin ang iba na nakikinig.   "Ang pogi nun ah. Crush ko nga eh." si Jane.   "Lahat na lang kasi crush mo." bulong ni Bernice na siyang pinakamalapit sa aking kinauupuan.   "Sabihin mo oo kamo." I answered.   "Sinabi ko kayang hindi. Boyish ka lang talaga kako. Pero sabi ko mataray ka talaga. Natakot ata." she chuckled.   "Dapat lang na matakot sila. Ilang taon ko na ngang sinusuyo si Elena, wa epek pa rin. Sila pa kaya? Hanggang tingin lang sila sa kanya. Lakas ng apog magtanong ah. Kausapin ko iyon bukas." naiinis na salita ni Cedric na nakaupo sa poolside. Nakababad ang kanyang mga paa sa tubig.   "Baka gusto mong itulak kita diyan, Cedric?"   Ngumisi lang ito sa akin. Bilib din ako sa lalakeng ito. Ang haba ng pasensya niya sa akin. Kahit ilang beses ko ng binara ito ay makulit pa rin. Tingin ko nga mas nagiging makulit pa ito lalo.   "Fourth year na tayo sa June. Anong sports ang kukunin nyo para sa P.E natin?" tanong ni Bernice habang sumusubo sa dessert na mango float.   "Basketball." sagot ko agad.   "Asa ka naman. Walang basketball sa girls oy. Volleyball, badminton, lawn tennis lang ang choices." Ani ni Cameron.   Sumimangot ako. Edi hindi na lang sasali. Tapos.   "Ay nako Elena. Alam ko yang tumatakbo sa isip mo. Hindi pwedeng wala. Kailangang meron kahit isa. May interschool tournament pa naman kaya dapat lang na lahat ng girls mag-join para pipili ang mga coaches kung sino ang pwedeng panlaban."   "Wala pa akong maisip Bernice. Basketball lang naman ang nakahiligan ko." sagot ko.   "Volleyball na lang tayong apat." Jane suggested.   "Na-uh. I'm not included girls. Sa cheering squad ako. Nagpa-member na nga ako eh. I want to be a cheerleader!" Cameron spoke with enthusiasm.   "Sus! Panira ka lang sa amin Cam!" panunuya ni Cedric. He's one of the best players in basketball, obviously.   "Ay Aba! Pasalamat ka nga at magche-cheer ako sa inyo eh!"   "Nako huwag na. Kung si Elena yun, pwede pa." halakhak pa nito.   "Gago ka talaga ah!" Tumayo si Cameron mula sa pagkakaupo para sugurin si Cedric. Agad namang tumakbo si Cedric sa ibang direksyon dahil hinahabol siya ni Cameron na may hawak pang tinidor. Natatawa na lamang kami sa kanilang dalawa. I think Cameron will be a very good cheering squad member. She's very pretty at maputi. Marunong din ito sa gymnastics. Inaasar lang talaga ito ni Cedric.   "Hi everyone!" biglang salita ng taong bagong dating.   Nagtaas ako ng kilay nang magtama ang aming mata. Ilang araw na nga ba ang nakalipas when I last saw him? Hindi lang ata araw. Linggo na.   "Oh my gad." bulong ni Bernice sa aking gilid.   "Ang gwapo niya talaga." rinig kong komento ni Cameron.   "My ultimate crush." salita ni Jane. Tinignan ko silang tatlo na nagkahugis puso ata ang mga mata sa pagtitig kay kuya Ian.   Nakangisi si Ian sa amin habang naglalakad papalapit sa aming kinauupuan.   "Good evening, angel." huminto ito sa tagiliran ko at hinalikan ako sa ulo. Yumuko lamang ako sa inasta nito. Nagtatampo na naman kasi ako sa kanya kaya hindi ako ganito ka excited na makita siya.   "Ay....walang reply?"   Ngumuso lang ako.   "Hey." Umikot ito papunta sa aking harap. Umupo ito para magpantay ang aming tingin. Ang dalawang kamay nito ay nakakapit sa plastic armchair ko.   I glanced at him and I saw his weary face. He looks tired and exhausted. Saan ba galing ang taong ito?   "Mad at me again? Pumunta pa naman ako dito just to see you, hoping you could erase all my tiredness and shits I've been through today." He sighed at mataman lamang na nakatitig sa akin.   Teka, bakit nga ba ako nagtatampo sa kanya? Nalulunod ako sa mga titig niya kasi eh. Para akong nahihipnotismo sa mga iyon. Parang hinihigop ang buong pagkatao ko. I've been feeling like this lately. And until now, I couldn't find the right word to describe what I feel.   Oh, he didn't reply to my text this morning. Kaya nagtatampo ako sa kanya ngayon.   "Elena...." He called my name at napapitlag pa ako. Kung saan-saan na naman ako dinadala ng nararamdaman kong ito. Hinaplos nito ang aking pisngi.   "If I hurt you again, even if I don't remember how, I'm sorry, angel."   "You're not replying to my texts." binaling ko sa ibang direksyon ang aking mukha.   He chuckled pero halatang pilit ito at walang buhay. "Sorry. I left my phone in my manager's office. Pumunta ang buong team sa Samal Island para sa photoshoots. I didn't get the chance to get my phone when we came back. I'm so drained."   Nangungusap ang kanyang mga mata. Parang nagmamakaawa pa ang mga ito sa akin. And yes, I saw honesty in his brown eyes.   "Alright. Hindi na ako nagtatampo."   "Thank God. Now give me a hug that I've been longing for." He opened his arms at agad akong pumaloob doon. Mahigpit ang mga yakap nito sa akin but I don't mind. Sobrang namiss ko siya.   "Damn. I miss you, girl. It's been days." he whispered.   "Wrong. It’s been weeks, kuya.” Lumabi ako.   Someone cleared her throat. Naghiwalay agad kami para tignan iyon. "Hi! Nandito kami, in case you're not aware." Ngisi ni Cameron.   Si Cedric na nakatayo sa gilid niya ay umiiling-iling lang sa akin. While Bernice stared at me as if she's trying to read my face. What's with that look?   Humalakhak si Ian. "Sorry girls. I'm just so tired and that the only thing that keeps me going is to see and have Elena in my arms. She's my remedy, you know."   I blushed. Buti na lamang at madilim na at kahit paano matatago ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Why is he talking things like that?   Tumawa lang ang aking mga kaibigan na para bang nagbibiro lang si Ian. They are aware how close we are together.   Nakipaghuntahan muna si Ian saglit sa kanila dahil mayamaya lang ay naisipan na ng mga kaibigan ko ang umuwi dahil may pasok pa kami bukas.   Hinatid namin sila sa gate. Nandoon na ang kotse ng pamilya ni Cedric na maghahatid sa kanila pauwi.   "Bye girls."   "Bye kuya Ian." halos sabay na wika ng mga babae. Pumasok na ang mga ito sa loob. While Cedric is not talking at all. Siya na lamang ang nasa labas at parang ayaw pa atang pumasok. Kumunot ang noo ko at nilapitan siya.   "Anyare sa'yo?"   "Tss. Wala Elena. I'm just jealous." nakayukong sagot nito.   Napasinghap ako. "Jealous? Of whom?"   Sinulyapan niya muna si Ian na nasa nakapwesto sa gate bago nagsalita. "I'm jealous of him because he's already a part of your life. Samantalang ako, hindi ko alam kung saan ba talaga ako nakalugar sa sa'yo. You are into him. It's obvious."   "Cedric, may lagnat ka ba? We're friends, and you know that. Ibig sabihin, parte ka na rin ng buhay ko. Pinagdadrama mo dyan?"   He shook his head. "Kailan mo kaya marerealize ang nararamdaman mo? You've been hiding that since time immemorial Elena."   Ngumuso ako. "Pumasok ka na nga. Kung ano-ano na naman tumatakbo sa utak mo."   He smiled and to my surprise, he kissd me on my cheek. "Bye Elena and goodnight." Nagmamadali pa ito sa pagpasok sa loob ng sasakyan.   Napatda ako. That was the first time he kissed me. At hindi ko alam kung magagalit ba ako o maiinis. Nakaalis na lamang ang sasakyan nito ay hindi pa rin ako natitinag sa aking kinatatayuan.   "I saw that." Ian spoke. Nakalapit na ito sa akin at nakapamulsa sa aking harapan.   Bumuntong-hininga muna ako bago nagkibit ng balikat. "Goodnight kiss. Nothing’s wrong with that." kalmante kong sabi. Pero sa utak ko ay iniisip ko na kung paano ko ba papatayin si Cedric. Sakalin ko kaya bukas?   He laughed. "Yeah. Nothing wrong with that. So, can I have my good night kiss too?"   Hello? He always kisses me on the cheek! Hindi pa ako nakasagot ay bumaba na ang ulo nito para halikan ako. Pero nanginig ang buong katawan ko when his lips touched the side of my mouth.   Almost.   Pinagdikit niya ang aming noo. "Nothing's wrong, right? I'm not making your heart beats fast, right, Elena?" Namamaos na boses na sambit nito.   I swallowed hard. "You're not."   "Good. Good night." Binitawan na niya ako at tumalikod na sa akin para pumunta na sa kanilang bahay.   Napahawak ako sa aking dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso ko na para bang lalabas na ito mula sa aking dibdib.   "You are, kuya Ian. You're making my heart beats fast. And I don’t understand why…." I whispered in the air.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD