CHAPTER 21 NANG MAGISING kinabukasan si Marra ay naabutan niya si Younhee na nakaupo sa sala. Seryoso ang mukha nito habang umiinom ng kape. Kumunot ang noo niya nang tila mapansin niyang salubong ang mga kilay nito. "Younhee, okay ka lang?" tanong niya rito. Hindi yata siya nito napansin kahit na tinawag na niya ito. Hawak pa rin nito ang kape gamit ang dalawang mga kamay habang hinihipan. Ang mga mata nito ay nakatulala. Tumikhim siya ngunit wala pa rin itong imik. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito. "May problema ba tong babae na ito?" tanong niya sa sarili. Pilit niyang inisip kung ano ang huling ginawa nito kagabi upang maging dahilan nito ngayong umaga. "Okay naman siya kagabi, ah?" Nakatapos na rin siya maligo at hinihintay na lang si Harra na siyang n