CHAPTER 19 PAGOD NA pagod sina Max nang matapos ang pagpa-practice ng mga ito. Ang iba ay nakahiga na sa sahig habang ang iba naman ay nakaupo at nakasandal sa malaking salamin. Si Max ay nakaganoong pwesto. Habol-habol nito ang paghinga kaya naman naaawa siya sa mga ito. Grabe rin naman pala kung mag-practice ang mga ito. Anong oras na pero panay pa rin sayaw ang ginagawa ng mga ito hanggang sa hindi napupulido ang choreo. Pati si Younhee ay pagod na rin ngunit mukhang nag-eenjoy naman ang isang iyon. Kausap nito ngayon sina Lancer at si Colby. Sina Reed, Davis at Kylo naman ay nag-uusap sa isang sulok. Gusto niyan lapitan si Max ngunit nahihiya naman siya rito. Hinanap niya ang inuminan at nang matanaw niya kung saan iyon nakalagay ay kaagad siyang nagtungo roon upang ikuha n