Chapter 50 Nirvanna's POV "So wala na talaga kayo ni Nick?" usisa ni Mitch habang nagpupunas siya ng mga mesa. Ako nama'y inililigpit ang mga kalat na naiwan ng customer. Balik na ulit ako sa coffee shop at tinanggap pa naman ako ng may ari. "Ganun na nga. Wala siyang kwenta." naiiling na sagot ko. Hindi ko na kasi magawang magtago sa kanya ng tunay na estado namin ni Nick ng kamustahin niya ko. "Wala talagang kwenta. Mantakin mo, patulan daw ba yung pinsan mong haliparot?! Ang dami-dami namang ibang desente diyan." "Nagpatukso, eh." napapakibit balikat na sabi ko. Sa totoo lang hindi na naman ako ganun kaapektado. Parang nakamove on na nga kaagad ako. Mas naiisip ko si JC. Lalo na ang nangyari sa'min. Ayoko naman talaga siyang mawala. Naguguluhan lang ako dahil parang ang