Chapter 14 "K-Kanina ka pa diyan?" tila kabadong tanong ni Marli sa'kin. "Yeah. Sa sobrang intense ng bangayan niyo, hindi niyo na namamalayan paligid niyo. Masiyado kayong focus sa isa't-isa, mag-aminan na lang kayo." Umirap sa'kin ang pinsan kong ubod ng maldita. "Yuck!" Nagmake face lang si Travis sa inasal ni Marli. "And i've heard nakipagkarera ka Marli. Hindi ka na ba nadala? Naaksidente na kayo ni Margi noon. Halos mamatay si Tita Lia sa nerbyos tapos inulit mo pa?" seryoso na ring saad ko. Matigas din talaga ang bungo ng isang 'to. "Precisely my point! Kung alam ko lang na siya yun sana hindi na ko nakipagkarera. Tsk kung anong ikinakulot ng buhok siya ring ikinakulit." dagdag ni Travis. Sa puntong yun ay napayuko na si Marli. "N-Ngayon lang ako nakipagkarera ulit. Madal