Chapter 40

1164 Words

Chapter 40 "Totoo bang wala na kayo? Ibig sabihin ba niyan ako ang pinipili mo?" pangungulit pa niya habang naglalakad kami palabas ng subdivision. "JC hindi ganun." walang ganang sagot ko. Tila nalungkot ang mukha niya. "Wala pa rin pala kong pag-asa." halos ibulong na lang niya. "N-Niloko niya ko. Na-nahuli ko sila ni Paula na gumagawa ng milagro! Kitang-kitang ng dalawang mata ko JC!" napapaiyak na kwento ko. Saglit siyang natigilan pero mabilis niya kong hinatak at niyakap ng mahigpit. "Ang bababoy nila!" nasusuklam na sigaw ko at napasubsob sa dibdib niya. "Sorry kung kinukulit pa kita. Ang manhid tuloy ng dating ko. Wag ka mag-alala, magkaibigan pa rin naman tayo. Ilabas mo sa'kin lahat." Napatango-tango ako at naramdaman ko ang sunod-sunod na paghagod niya sa likuran ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD