Chapter 10 Nagmamadali akong tumayo matapos ang dinner. "O saan ka pupunta? Aalis ka na naman?" awat sa'kin ni Mama. "Saglit lang 'to Ma. Promise dito ako matutulog. Bye dad. Baby Mayumi!" Nangaripas na ako ng takbo palabas. Nagtext kasi sa'kin si Sgt. Barurot na nakita na yung kotse ko. Pumara ako ng taxi para makapunta dun. Nanlumo ako ng makarating sa nasabing lugar dahil sa kinahinatnan ng kotse ko. Kinarne na ito. Nagtanggalan na ang ilang spare parts at may bangga pa. Yupi-yupi pa ang ilang bahagi. "Sarge nahuli na ba yung gumawa?" napapahilamos pa sa mukhang tanong ko. "Sa ngayon hindi pa rin. Pero ipinakalat na ng mga tauhan ko ang mukha ng Venice Mariano na yan. Sa hinala namin sila ang grupo ng mga kababaihan na mahilig mambiktima ng mga alta sosyedad na kalalakihan o