Chapter 19 James Carlo's POV "Tahan ka na. Sino ba umaway sa'yo?" mahinahong tanong ko kay Nirvanna at inabutan siya ng isang basong tubig. Ininom naman niya yun. Nasa isang restaurant kami malapit lang sa Fortaleza hotel. Ayaw pa raw niya umuwi ng magsuggest ako na ihahatid ko siya pauwi kaya dito ko siya dinala. Nagulat na nga lang ako ng makabangga ko siyang umiiyak nung papasok ako ng elevator ng Fortaleza hotel. Para siyang may kinakatakutan dahil nanginginig pa siya. Medyo kinabahan nga ako dahil baka mabuko niyang hindi naman talaga ako roomboy dun kundi kami ng pamilya ko ang may ari. Malay ko ba namang maliligaw siya dun. Iyon kasi ang pinamamahalaan ko. Bawat isa saming magpipinsan na Fortaleza may pinamamahalaang negosyo. "S-Si Nick." sumisigok pero medyo kalmado