Chapter 48

1125 Words

Chapter 48   Nirvanna's POV   Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Napamulat ako ng mata at napangiti ng makita ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng silid ko. Mistulang nag-aawitan ang mga ito, kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Akmang kikilos ako para bumangon ng maramdaman kong tila may nakapulupot sa katawan ko. Mas natilihan ako ng maramdaman ko ang tila mainit na hanging pumapaypay sa tenga ko. Napalingon ako para lang mapamulagat. Ang maamo at payapang mukha ng natutulog na si JC ang nabungaran ko! Nakayakap siya sa'kin na parang ayaw ako pakawalan... Sumikdo ang puso ko ng mapansing walang ibang tumatabing sa katawan ko kundi ang puting kumot! Ramdam na ramdam ko sa likod ko ang init na dala ng hubad ding katawan ni JC. Parang kidlat na nagb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD