CHAPTER 2

1150 Words
CHAPTER TWO                         “Natural hindi 'yan magdadala ng mga kaibigan niya rito dahil ikinakahiya niyan si Logan. Ikinakahiya niya ang pinsan natin!” bigla ay malditang sagot ng napadaang si Karen Montgomery.                         “Karen!” saway kaagad ni Chelsea sa pinsan.                         Imbes na pumatol at dumepensa ay pinili na lamang niyang yumuko at manahimik. Karen's somehow right.                         “What, Chelsea? Totoo naman ah! 'Wag mo na ngang depensahan ang babaeng 'yan!” anang huli at inirapan siya sabay tuluyang iniwan sila.                         “Pagpasensyahan n'yo na po ang pinsan kong iyon. Pasensya na sayo, Ingrid.” nahihiyang wika ni Chelsea sa kanila ng ina at ng kapatid niya.                         Nakakaintinding tumango siya. “Naiintindihan ko, Chel.”                         Hinawakan bigla ng mommy niya ang kanyang kamay at nang tingnan niya ito ay gumuguhit ang pag-aalala sa mga mata nito. She managed to smile and held her hand too para ipakita ritong wala itong dapat na ipag-alala dahil ayos lang siya.                         Kahit hindi siya maayos ay dapat pa rin niyang piliting ipakitang maayos lang siya dahil ayaw na niyang mapag-alala pa ng husto ang mahal niyang pamilya. Sapat nang siya itong mag-isang nagdurusa sa suliraning iniwan ng namayapang ama at huwag na ang kanyang ina at kapatid.                         Bigla namang napadapo ang tingin niya sa kinaroroonan ni Logan. Nakasandal ito sa isang stool habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at pinsan. Magiliw ang ngiti nito na tila may ikinukwento. Tila napansin naman nitong nakatingin siya kaya’t napatingin din ito sa kanya, ang ganda pa rin ng ngiti.                         Hindi niya maipagkakailang gwapo talaga si Logan lalo pa sa suot nito ngayong kulay gray na suit. Matangkad at tamang-tama ang pangangatawan pati na ang kulay ng balat. Malinis ang haircut nito at malinis ang mukha, walang balbas. Kay amo pa ng itsura, hindi tulad ng ibang mga lalaking pinsan nito na may kaangasan at suwabe.                         Iniwas niya ang tingin dito dahil alam niyang 'ni hindi niya kayang suklian ng kahit tipid man lang ang ngiti nito.                         “Ingrid hija, alam kong mabigat para sa iyo ang naging desisyon mong ito pero alam kong sa paglipas ng panahon ay magagawa mo ring matanggap ang lahat. My son really loves you and you're now married, ingatan mo sana si Logan para sa akin.” masuyong habilin ng ina ng kanyang asawa nang sa wakas ay natapos ang reception at naghahanda na silang mag-asawa na umuwi sa sarili nilang bahay.                         Yes, they have their own house. Sinadya talaga ni Logan na bumili ng sarili nilang bahay dahil bukod sa alam nitong ayaw niyang tumira kasama nito rito sa pudir ng mga magulang nito ay nais din daw nitong bumukod silang mag-asawa ng sarili nilang pamilya.                         Kimi siyang ngumiti sa ginang saka tumango. “Gagawin ko po.”                         I'll try but I can't promise. Nais sana niyang isatinig.                         “You're now a Montgomery kaya 'wag ka sanang gagawa ng kasaysayan na makakasira sa reputasyon ng pinakaiingatang pangalan ng pamilya at angkan na ito. Just sayin', hija.” nakangiti ngunit may banta namang anang ama ng asawa niya.                         “Opo.” tanging sagot lamang niya habang nakayuko.                         Tinapik siya nito sa balikat. “Good.”                         Nang tuluyang nagpaalam ang kanyang mommy at ang kanyang kapatid para umuwi na rin ay halos ayaw pa niyang bitawan ang kamay ng ina kaya nakita niyang maluha-luha rin ito nang tuluyan siyang binitawan.                         “Mom, I love you. Bisitahin n'yo po sana lagi ako sa bahay kapag may oras kayo!” pahabol niya habang palabas na ang dalawa sa gate.                         Muling humarap ang ina niya at marahang ngumiti. “We will, 'nak. We love you too.”                         “Bet, 'wag mong pababayaan si mommy, ha? Wala na ako sa bahay natin simula ngayon kaya alagan mo siya lagi, pati na rin ang sarili mo. Mahal na mahal ko kayo!”                         “Don't worry, ate Ingrid, akong bahala sa amin ni mommy. Lagi ka naming bibisitahin kapag may oras kami. Love you too, ate.” lingon sa kanya ni Betty.                         Kumaway siya hanggang sa tuluyang makasakay ang mga ito sa taxi pauwi. Naiwan naman siyang maluha-luha ulit, pakiramdam niya’y nag-iisa na talaga siya ngayon.                         “Let's go home, Grid.”                         Nagulat siya sa baritono ngunit malambing na tinig ni Logan na nagsalita sa kanyang tabi at marahang hinawakan ang isang kamay niya.                         Tiningnan niya ito. Magaan ang ngiti nito at kay amo talaga ng mukha. Tipong pagkakatiwalaan at mamahalin talaga ng isang babae.                         Mapagkakatiwalaan? The heck! He took an advantage just to get you nang mga panahong gipit na gipit ka at sobrang ipit sa isang mahirap at masakit na sitwasyon! Singhal bigla ng kanyang utak.                         Tama nga, hindi basehan ang mukha ng isang tao upang masabing mabait ito o masama kasi minsan may mga tao talagang mukhang kay amo at hindi makabasag pinggan pero ang totoo ay masama pa sa masama ang mga halang sa bituka. Unfortunately, Logan is an example.                         Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. “Okay.” iyon lamang at nauna na siyang naglakad.                         Nang tuluyang makauwi sa bahay nila, wala siyang ginawa kundi maupo lamang sa sala at panoorin si Logan sa pagbubuhat ng mga gamit at maleta nilang dalawa.                         “Oh, sa'n mo dadalhin 'yang mga gamit ko?” nakataas kilay niyang tanong dito nang makitang dadalhin na nito ang kanyang maleta sa itaas.                         Two-storey ang bahay na ito at malaki. Kita niya ang mga naghihilerang kwarto rito sa ground floor at tatlong kwarto lamang sa second floor. Yari sa tiles ang interior ng bahay, magarbo ngunit hindi kasing garbo ng mansyon ng mga magulang ni Logan. This is simpler than the latter and she prefers it.                         “Sa master's bedroom, Grid. Why?” inosenteng sagot nito.                         “Master's bedroom? Yung kwarto kung saan mo rin dinala yung mga gamit mo?”                         “Exactly, hon.”                         Sarkastiko siyang natawa. “At sino naman ang nagsabi sayong papayag akong matulog at makasama ka sa iisang kwarto at iisang kama lang?”                         Unti-unting napawi ang magiliw nitong ngiti dahil sa mensahe na nais ipahiwatig ng bawat salita niya.                         “Sa pagkakaalam ko kasi, kasal at pagtira lang sa iisang bubong kasama ka ang kontratang pinirmahan ko at hindi na kasali roon ang matutulog ako sa iisang kwarto at kama kasama ka.”                         Hindi ito nakapagsalita, namungay lamang ang mga mata at nalungkot ng husto.                         “Sa isang guest room mo nalang ihatid 'yang mga gamit ko at doon nalang din ako tutuloy. Excuse me.” malamig pa sa yelo niyang sinabi at tumuloy na nga sa isang guest room doon sa itaas sa tabi ng mismong master's bedroom.                         Nakita naman niya ang pagbuntong-hininga nito sa kinatatayuan kung saan niya iniwan at wala ring nagawa kundi ang sumunod sa kanya.                         She secretly smiled in victory. This is just a start, Logan. Welcome to hell!                         This is it. Wala na itong atrasan. Simula na ng tuluyang kalbaryo at impeyerno sa kanyang buhay sa mga kamay ng lalaking hindi niya mahal.                         Well, of course, hindi naman niya hahayang mag-isa lang siya ang magdusa at mahirapan sa buhay may asawa. Pinili ng isang Logan Montgomery ang itulak siya sa impeyerno kaya isasama rin niya ito roon. That's for sure.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD