CHAPTER 1

1361 Words
CHAPTER ONE             “ANG ganda-ganda n'yo po, maam. Wala pong halong biro pero kayo po talaga ang pinakamagandang bride na nakita ko sa lahat ng mga brides na minsan ko na ring nabihisan.” anang baklang make-up artist ni Ingrid na kasalukuyang nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi.                         Simple at tipid na ngiti lamang ang itinugon ng bente-tres anyos na dalaga sa papuri nito. Wala siyang pakialam kung nagsisinungaling ito o nagsasabi ng totoo.                         Tiningnan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Walang mali sa kanyang make-up, ang elegante pa nga. She is Ingrid Diaz, ah no, Ingrid Diaz Montgomery na pala simula sa araw na ito.                         Matapos siyang maayusan ay inihatid na siya sa simbahan kung saan ang venue ng mismong wedding ceremony. Katulad ng ibang bride ay naglakad din siya sa aisle at tuluyang ipinagkaloob siya ng kanyang ina sa kamay ng kanyang groom. Ina dahil pumanaw na ang kanyang ama apat na buwan na'ng nakakaraan.                         “Do you Logan Montgomery, accept Ingrid Diaz to be your lawfully wedded wife, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do you part?” tanong ng Pari sa kanyang mapapangasawa.                         “I do.” dinig niyang masiglang sagot ng lalaki.                         Alam niyang maligaya ito sa mga oras na 'to dahil sa wakas ay makukuha na nito ang gusto nito.                         Bumaling naman sa kanya ang Pari. “Do you Ingrid Diaz, accept Logan Montgomery to be your lawfully wedded husband, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do you part?”                         Bumara ang kanyang lalamunan at tumulo ang kanyang mga luha. Dalawang salita lamang na 'I do' ang kailangang marinig ng Pari ngunit parang napakahirap na bigkasin.                         Sa katunayan nga, naglalakad palang siya sa aisle kanina ay gustong-gusto na niyang umiyak at magwawala sa sama ng loob. Life is just so unfair! 'Yung ibang mga babae, pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman kapag ikinakasal pero siya ay lungkot at sakit ang nararamdaman ngayon. Yung iba ay naluluha dahil sa saya samantalang siya ay naluluha dahil napipilitan lang siya sa kasalang ito!                         “Ms. Ingrid?” nag-aalalang salita ng Pari.                         Tinignan lamang niya ito habang tuloy-tuloy sa paglandas ang kanyang mga luha. Hinihiling niyang ito na sana mismo ang makahalata na ayaw talaga niyang magpakasal at ito na rin mismo ang magtapos ng seremonya ngayon din mismo. Ngunit tila hindi nabasa ng Pari ang kanyang hinaing at nagpatuloy ito sa paghihintay ng sagot mula sa kanya.                         Unti-unti na ring nagkakaroon ng mga bulong-bulungan sa loob ng simbahan dahil sa inaasal niya ngayon. Tiningnan niya sa unahang upuan ang kanyang ina, nakaiwas ito ng tingin at umiiyak din, at ang kanyang kapatid na si Betty na isang taon lang ang lamang niya sa edad ay nakatingin sa kanya na may tensyon at kaba sa mga mata. Her mother and her sister know her story very well.                         Tiningnan naman niya sa kabilang banda ang angkan ng mga Montgomery. Halos lahat ng mga tita ni Logan ay nakataas na ang kilay sa kanya at ang sama na ng tingin ng mga pinsan nito sa kanya habang nagbubulong-bulungan. Ang ama at ina naman ng lalaki ay ang sakit na rin ng pagkakatitig sa kanya kaya napaiwas siya.                         “Ingrid...” marahang pukaw ni Logan sa kanya tapos ay tinapik siya sa balikat.                         Humingang-malalim siya bago tuluyang nagsalita sa Pari. “I do.”                         Nakita niya ang pagbuntong-hininga ng lalaking katabi niya, ganoon na rin ng mga taong nasa loob ng simbahan. Huli na upang gumawa pa siya ng eksena at tumakbo palayo na tiyak magpapahiya sa kanyang ina at kapatid tapos ay makakatikim ng singhal at insulto ang mga ito sa pamilyang Montgomery, iyon pa naman ang iniiwasan niyang mangyari. Ayos lang sana kung siya lahat sasalo ng masasakit na salita ngunit hindi, dahil alam niyang madadamay at madadamay ang mga taong pinoprotektahan niya.                         “With the power vested upon me, I now pronounced you, husband and wife. Congratulations, Mr. and Mrs. Montgomery. You may now kiss.” masayang deklara ng Pari.                         Humarap si Logan sa kanya at ang tamis ng ngiti nito habang itinataas ang kanyang belo. Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanyang mukha at pinahid pa nito ang mga luha niya. Nang tangkain nitong tuluyang idikit ang labi nito sa kanyang labi ay tuluyan siyang umiwas. She just can't let this man kiss her kahit pa asawa na niya ito. Hindi niya kayang magpahalik sa lalaking hindi naman niya mahal!                         Nakita niya ang biglang pagpalis ng ngiti sa labi ng lalaki at ang lungkot sa mga mata nito. Wala siyang pakialam, hindi siya masaya sa kasalang ito kaya wala rin itong karapatan para maging masaya kahit na legal na pag-aari na siya nito ngayon.                         Pumalakpak ang kanyang kapatid upang anyayahan ang iba na pumalakpak na rin at mawala na ang tensyon kaya kahit yung ibang mga napipilitan ay pumalakpak na rin, ganoon din ang Pari.                         Nang matapos ang seremonya sa simbahan, dumiretso sila sa mansyon ng mga Montgomery para sa reception. Hindi na siya nag-imbita ng mga kakilala at kaibigan kaya ang tanging dala lamang niya ay ang mommy niya at si Betty. Halos lahat ng mga narito ngayon ay galing sa angkan ng asawa niya, mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ng mga magulang nito, mga kaibigan at kakilala rin nito, yung iba nama'y schoolmates nila noon sa University na pinapasukan sa kolehiyo.                         “Congrats, Grid. Finally, nagkatuluyan din kayo ng pinsan ko!” masayang sabad bigla sa kanya ni Chelsea, isa sa mga pinsan ni Logan.                         Sa lahat ng mga pinsang babae ng kanyang asawa ay itong si Chelsea lamang ang malapit at nakikipagkaibigan sa kanya. Hyper ito, jolly, at ang bait kaya kahit papaano'y ka-close niya ito.                         She just smiled. Dati pa lamang no'ng mga college pa sila, mahilig na itong manukso sa kanila ni Logan dahil classmates sila ng huli at mag-best friends. Yes, she and Logan used to be best friends before ngunit nagbago ang lahat nang nalaman niyang ipakakasal siya rito.                         Dumaan si Robert na isa rin sa mga pinsan ni Logan saka masayang binati siya. “Congrats and welcome to family Montgomery!”                         Sumunod pang dumaan at bumati sa kanya ang iba pang mga lalaking pinsan ng kanyang asawa at masasabi niyang wala siyang kaso sa mga iyon dahil cool halos lahat at mababait sa kanya, kay daling pakisamahan. Iyon naman ang ipinagkaiba ng halos lahat sa mga Montgomery girls dahil snob at malditahin ang mga babae maliban na lamang kay Chelsea.                         “Tara let's party, Grid. Nagmumukmok ka lang kasi rito sa tabi! You know, you should enjoy because this is your day.” pagyaya pa ng huli sa kanya.                         Umiling siya. “Sige, maya nalang ako.”                         “Hay naku, loner ka talaga! Gusto mong laging nagmumukmok lang sa tabi at parang hindi ka man lang nababagot.” nag-crossed arms pa ito.                         “Ah, tama si Chelsea, 'nak. Araw mo ito kaya dapat nag-e-enjoy ka at hindi itong nagmumukmok ka kasama namin.” bigla ay salita naman ng kanyang ina.                         Totoo naman kasi. Imbes na mag-enjoy siya, maglibot-libot, mag-entertain ng mga bisita ay narito siya sa porch at tahimik na nakaupo sa tabi ng mommy at ng kapatid niya. There's no any reason for her to celebrate and enjoy dahil hindi naman talaga niya ginusto ito. Kapag may dumaraan para bumati na mga bisita ay simpleng ngiti at 'thank you' lamang ang itinutugon niya.                         “Kitams! Agree si tita sa akin! Sana kasi nag-imbita ka rin dito ng mga kakilala at mga kaibigan mo para hindi ka nao-OP sa sarili mong wedding celebration.” ----- This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD