CHAPTER 3 REGRETS

661 Words
Hindi na kami nag-chat pang muli. Tinitingnan ko na lang ang wedding updates niya sa posts niya. Sobrang excited siya sa kasal niya. Isang araw bago ang kasal niya, pinadalhan niya ako ng e-card invitation para sa kasal niya. Nakasaad ang venue ng kasal at reception. Nagpahabol siya ng message. "I'd love my bestfriend to be there on my special day. I am hoping you will come." Hapon. Um-attend ako ng kasal niya. There she was, walking down the isle, nakahawak sa braso ng Papa niya. The so lucky guy was waiting at the altar. Halatang excited. Sabagay, siguro kung ako ang nasa lugar niya, baka sunduin ko pa sa gitna ng isle si Liza dahil sa excitement. She looked at me when she passed by, and she smiled at me. I saw her tears of joy as she walked with grace and posture. She's radiant. Nagkamay ang lucky guy at ang papa ni Liza. Iniabot ang kamay ng anak sa lalakeng nakakuha ng kaligayahang para sa akin sana, kung hindi lang ako naging tanga. Inakay siya ng lalake paakyat sa gitna ng altar, lumuhod at sumumpa ng pangako sa isa't isa ng habambuhay na pagsasama. Umiiyak din ako para sa kanya. Masaya ako na masaya siya, at the same time malungkot din ako dahil masaya siya sa piling ng iba. Hindi ko na hinintay ang huling bahagi ng kasal, ang unang halik nila bilang mag-asawa. Tama na. Nagdurugo na ang puso ko. Tama na ang t*****e na nasaksihan ko ang pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko. Ang para sa akin sana ay napunta sa iba. Mula ng teenager kami ay kami na ang magkasama. Ako ang nagtanim, iba ang umani. Parang folk song lang. Lumakad ako palabas ng simbahan na laglag ang balikat at nakapamulsa. Haharapin ko ang bukas nang wala na siya sa buhay ko. May sarili na siyang pamilya na uunahin bago ako. Sila muna ang kasama niya sa maraming taon pa ng paggala. Tsk. Ganito talaga ang buhay ng isang tanga. Tumingala ako sa langit para pigilan ang pag-agos ng mga luha ko, pero walang naitulong 'yon. Lalo lang silang nag-unahan sa pagtulo. Nilamon ako ng takip-silim habang naglalakad palayo sa simbahan. Narinig ko ang kampana. Senyales na tapos na ang seremonyas ng kasal. Naramdaman ko ring parang natapos na ang pagtibok ng puso ko. Year 2020, present Narito ako ngayon, patuloy na nagmumuni-muni sa nakaraan. Maraming "what if" sa isip ko. What if binigyan ko ng chance na maging kami? What if maaga kong na-realize na mahal ko siya? What if kami 'yong ikinasal? Siguro kami ang magkasama ngayon sa pagtanda. Inuga-uga ko ulit ang tumba-tumba na hinihigaan ko habang hawak ko ang tablet ko, nakatingin sa profile picture, kasama niya sa picture ang asawa niya, dalawang anak at bagong silang na sanggol. Trenta na ako, may stomach cancer at stage 3 na, pero single pa rin. Nakuha ko ang sakit ko sa kakainom at pagpalalipas ng gutom. Naiwan ako sa nakaraan, nabubuhay sa kahapon. Pero ano ang magagawa ko? Nagmahal lang ako. Nagmahal nang todo pero huli na nang ma-realize kong mahal ko pala siya. 'Di bale, ayos lang. Masarap balikan ang nakaraan. Ang nakaraan kung kailan ako naging napakasaya. Masaya nang dahil sa pagmamahal niya na hindi makasarili, mapagbigay, dalisay. Pagmamahal na sinayang ko. Kung maibabalik ko lang ang kahapon, itatama ko ang malaking pagkakamali ko. Sayang. Sana... sana ako ang nasa larawang ito na kasama niya ngayon. May ilang butil ng luha ang tumutulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Ito na yata ang oras ko. Nag-type ako ng message para sa kanya. "Kahit hindi naging tayo, masaya ako na nagkasama tayo. Maswerte ako na minsan noon, minahal mo ako. Salamat sa pagmamahal mo noon na walang katulad. Paalam, mahal kong Liza. - Anthony." Ipadadala ko muna ang huling mensahe ko para sa kanya bago ako matulog. THE END Salamat po sa pagbabasa ng short story ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD